Advertisers
UMABOT ng 50 firetrucks ang umapula sa nasunog na storage sa loob ng Sterling Industrial Compound, Barangay Libtong, Meycauayan, Bulacan nitong Miyerkules.
Sa report ng Meycauayan Fire station, nag-umpisa ang sunog 3:15 ng hapon sa storage ng Meycauayan Warehouse Lessor sa naturang compund.
Ayon kay SF01 Camilo San Jose, 7:28 ng gabi na naapula ang apoy.
Sa ulat, naglalaman ng raw materials sa paggawa ng mga juice at ng iba pang pagkain ang nasunog na imbakan.
Inaalam pa kung nagmula ang sunog sa umamo’y kuryente.
Mahigit 50 fire trucks mula sa iba’t ibang lugar ang nagtulong-tulong para apulain ang sunog.
Wala naman naiulat na nasaktan. (James de Jesus)