Advertisers

Advertisers

Pagkamatay ng UP students kasama ang mga NPA, ipaliwanag muna bago ang dayalogo – DND Sec.

0 210

Advertisers

DAPAT munang magpaliwanag ang pamunuan ng University of the Philippines (UP) kaugnay ng pagkamatay ng mga estudyante ng unibersidad kasama ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) bago magkaroon ng dayalogo ang Department of National Defense (DND) at UP.
Binigyang-diin ito ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kasabay ng pahayag nitong handang makipagpulong sa pamunuan ng UP kasunod ng termination ng 1989 DND-UP agreement na nagbabawal sa mga pulis at sundalong basta-basta nalang pumasok sa mga campus ng prestihi-yosong unibersidad.
Inihayag ni Lorenzana na ginagalang niya ang desisyon ng mga kilalang personalidad maging ng mga miyembro ng senado na nagpasa ng resolusyon para magsagawa ng dialogue ang pamunuan ng UP at DND.
Maigi aaniyang ipaliwanag ng UP kung bakit bigo ang NPA na protektahan ang mga kabataang ito na unang sumali sa iba’t ibang organisasyon bago sila namatay.
Aniya, mayroong listahan ang pamahalaan ng mga estudyanteng namatay sa mga engkuwentro ng tropa ng pamahalaan at NPA at karamihan dito ay taga-UP.