Advertisers

Advertisers

BONG GO: PONDO NG PUBLIKO, BABANTAYAN KO

0 8

Advertisers

Nangako si Senator Christopher “Bong” Go na patuloy niyang babantayan o poprotektahan ang pampublikong pondo at titiyakin ang reporma sa kalusugan, partikular ang mabilis na access sa abot-kayang serbisyong-medikal para sa lahat ng Pilipino—lalo na sa mahihirap at marginalized.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Senator Go na sa panibagong mandato na natanggap niya mula sa mga botante, tuloy ang kanyang pokus sa mga reporma sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) gayundin sa pagpapalawak ng access sa kalusugan sa buong bansa.

“Bilang Chairman ng (Senate) Committee on Health, tinutukan ko ang kalusugan—Malasakit Centers, Super Health Centers, and (Regional) Specialty Centers,” ani Senator Go.



“And of course, PhilHealth. Babantayan ko po itong PhilHealth dahil naniniwala po ako, ang Philhealth po ay para sa health. hindi negosyo ‘yan… insurance ‘yan na mayroon tayong masasandalan kapag nagkasakit lalo na ang mahihirap,” idinagdag niya.

Matatandaan na dahil sa kanyang mga pag-uusisa, nangako ang PhilHealth na paghuhusayin ang benefits package sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa, tulad ng mga karamdaman sa puso, diabetes, at sakit sa baga.

Binanggit din ni Go ang naging progreso sa pagresolba sa pagkaantala ng Health Emergency Allowances (HEAs) ng mga kwalipikadong frontline workers.

“Finally, nabayaran ‘yung mga HEA ng health workers. Ang PhilHealth naman po, tinutukan natin. Maraming reporma na ipinangako nila this year na dapat nilang tuparin. Nangako sila, pinapirmahan ko sila. Madami silang polisiya na dapat nilang baguhin,” ani Go.

Sinabi ni Go na sa unang araw ng pagbabalkik niya sa Senado ay agad siyang magtatrabaho.



“Gusto ko magtrabaho na tayo. Tapos na ang election, let’s buckle down to work. Mas kailangan po ng mga kababayan natin na magtrabaho na ang mga lider.”

Samantala, nagpasalamat si Go sa Iglesia ni Cristo sa tiwala at suporta na ibinigay sa kanya. “Maraming salamat po mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa inyong tiwala at suporta at patuloy po akong magseserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya,” anang senador.

“God is good, God is fair. Pinagpapala po ang nagpapakumbaba. With all humility and sincerity, thank you very much for the trust.”