Advertisers

Advertisers

PNP: Wala pang senyales ang pagsuko ni Bato kahit may P50m patong sa ulo

0 22

Advertisers

WALA paring natatanggap na surrender feelers ang Philippine National Police (PNP) mula kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, tatlong araw bago ang itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa kanyang pagsuko.
“Wala pa pong feelers as of now,” pahayag ni PNP spokesperson Colonel Allen Rae Co nitong Martes.
Ayon sa PNP, ang ibinigay na palugit para kay Dela Rosa ay pagkakataon upang kusang sumuko at maiwasan ang posibleng kompronta-syon habang nagpapatuloy ang operasyon para matunton siya.
Nag-deploy na ng karagdagang tracker teams ang pulisya upang hanapin ang senador.
Si Dela Rosa ay hinahanap kaugnay ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) sa crimes against humanity case na may kaugnayan sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Inaakusahan siya bilang co-perpetrator sa mga krimeng saklaw ng kaso. Wala pang pinal na hatol laban sa kanya.
Nag-alok ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng P50 milyong reward para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto kay Dela Rosa.
Kinukuwestiyon ngayon ng legal team ni Dela Rosa ang legal na batayan ng reward, iginiit nitong walang arrest warrant laban sa senador na inilabas ng Philippine court.
Samantala, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na patuloy itong tumatanggap at nagsusuri ng impormasyon hinggil sa posibleng kinaroroonan ng senador. (Boy Celario/Mark Obleada )