Advertisers

Advertisers

4 patay sa ambush sa Maguindanao del sur

0 17

Advertisers

NASAWI ang apat na katao nang tambangan/pagbabarilin habang sakay ng isang kotse sa Sitio Ataw, Barangay Tulunan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nitong Lunes, Oktubre 26, 2026.
Kinilala ang mga nasawi na sina Albasir Pamansag Tuang, 31 anyos; kasama sina Mohamad Tuang, Kenneth Tuwang Mamalantong, at Ogie Tuwang. Pawang re-sidente ng President Quirino, Sultan Kudarat.
Ayon kay Police Colonel Michael John C. Mangahis, provincial director ng Ma-guindanao del Sur Police Provincial Office, sakay ang mga biktima ng isang silver metallic Toyota Vios (XST 652) patungo sa isang liblib na bahagi ng Sitio Ataw nang sila ay paulanan ng mga bala.
Matinding pinsala ang tinamo ng sasakyan dahil sa su-nod-sunod na mga putok ng baril.
Nagtamo ng mga tama ng bala ang mga biktima sa iba’t- ibang bahagi ng kanilang katawan, sanhi ng kanilang agarang kamatayan.
Patuloy ang imbestiga-syon ng mga awtoridad sa krimen.