Advertisers
NAKAHANDANG magbigay ng suporta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling hilingin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang tulong sa pagtugis kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, na iisa lamang ang layunin ng PNP at AFP na ito ay magbigay ng seguridad sa mga nagaganap na krimen sa bansa.
Paglilinaw din nito na nasa PNP ang desisyon ukol sa operasyon sa paghuli sa puganteng Senador.
Matatandaang binigyan ng PNP ng isang linggong ultimatum ang Senador para ito ay sumuko.
Huling nakita ang Senador noong dumalo ito sa session ng Senado noong Mayo at mula noon ay hind na makita matapos na itakas ng kapwa Senador.
Sa buwan ng Nobyembre ay mag-iisang taon na nang maglabas ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa Senador sa kasong crime against humanity dahil sa madugong kampanya ni daitng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga kung saan dating hepe ng PNP ang Senador.