Advertisers
Advertisers
Advertisers
INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nagpadala na ng ‘surrender feelers’ ang karamihan sa 9 na sinibak na pulis na nasa likod ng pagpatay sa apat na Army intelligence officers sa Jolo, Sulu sa nakalipas na taon.
Sinabi ni PNP Chief, Debold Sinas, nakikipag-usap na ngayon ang PNP BARMM sa mga ito para sa kanilang posibleng pagsuko.
Kasalukuyang nasa proseso pa ang PNP sa pakikipag-usap sa mga ito na posibleng magdulot ng positibong resulta at boluntaryong sumuko ang mga ito.
Hindi naman binanggit ni Sinas kung sinu-sino ang mga pulis na nais sumuko.
Nakitaan ng ‘probable cause’ ng state prosecutors ang mga suspek sa pagpatay kina Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco at Cpl. Abdal Asula.
Nagsasagawa noon ng intelligence and monitoring ang apat na sundalo laban sa presensiya ng dalawang hinihinalaang suicide bombers.
Nitong Enero 11, 2021, inamin ni Sinas na kanila ng pinakawalan ang siyam na dati nilang mga kabaro sa dahilang sinibak na sila sa serbisyo at wala ng hurisdiksyon sa kanila ang PNP. (Josephine Patricio)