Advertisers
PATAY ang isang dating pulis nang makaengkuwentro ang mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) sa isang operasyon sa Pampanga.
Kinilala ang napatay na si ex-Patrolman Rolando Basmayor Jr., dating nakatalaga sa Quezon City Police Disrict (QCPD).
Ayon kay PNP-AKG Director B/Gen. Jonnel Estomo, magsisilbi sana sila ng warrant of arrest nitong Huwebes laban kay Basmayor na may kasong murder nang paputukan umano nito ang mga pulis na aaresto sa Barangay Sta. Monica, Floridablanca, Pampanga.
Ayon kay PNP AKG spokesperson Maj. Rannie Lumactod, ang pag-neutralize sa dating pulis ay bunsod ng pinalakas na intelligence monitoring.
Nasibak sa serbisyo si Basmayor nang ituro itong nasa likod sa pagpatay sa isang Jaypee De Guzman sa Brgy. Sumanding, San Rafael, Bulacan noong February 19, 2020.
Nabatid na nasa number 2 ‘most wanted person’ si Basmayor ng Malolos, Bulacan at kasapi rin ng ‘gun for hire’ group na nag-o-operate sa Gitnang Luzon.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang 9mm pistol at mga bala ng iba’t ibang kalibre ng baril.
(Mark Obleada)