Advertisers
IGINIIT ni Justice Sec. Menardo Guearra na puwede pang iapela sa kanyang opisina ang desisyon sa reklamong isinampa kay Sen. Koko Pimentel dahil sa paglabag nito sa quarantine protocols matapos itong ibasura ng panel of prosecutors kahapon.
Sinabi ni Guevarra, puwede pang iapela ng complainant ang resolusyon ng investigation prosecutor sa isyu ng paglabag umano ni Pimentel sa quaratine protocol nang nagtungo ito sa isang pagamutan at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19. (Josephine Patricio)