Advertisers
AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na takot siyang madapuan ng COVID-19.
Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa isang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Jolo sa Sulu.
Aniya, sa kanyang mga naging kaklase sa College of Law sa San Beda, apat sa mga ito ay sumakabilang buhay dahil sa katandaan.
Giit ni Pangulong Duterte, ito ang dahilan kung bakit niya kinakailangang magpa-injection.
Magugunita na sinabi ng Pangulo na nakahanda siyang magpabakuna kontra COVID-19 sa harap ng bawat Pilipino para lang mapatunay na ligtas ito.
Pero nito lang ay kumambyo si Pangulong Duterte at sinabing hindi na isasapubliko ang kanyang pagpapabakuna. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)