Advertisers

Advertisers

P92.8B INVESTMENT SA MAYNILA SA LOOB NG ISA’T KALAHATING TAON-ISKO

0 324

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na may P92.8 billion halaga ng investments ang naisagawa sa lungsod sa loob lamang ng isang taon at kalahati kung saan siya ring haba ng kanyang panunungkulan bilang alkalde na nagsimula noong Hunyo 2019.

Dahil dito ay nagpahayag ng pasasalamat si Moreno sa private sector, partikular sa mga developers sa pagpapakita ng bagong tiwala sa lokal na pamahalaan.

“May pandemya pa nyan ha…thank you to the private sector, the developers who are now building developments, thus producing income for the city and jobs for the people and later on, new taxes which we can use for our programs,” ayon kay Moreno.



Idinagdag pa nito na: “ We are grateful to the private companes for trusting again in the city of Manila. We will not fail you and the trust you’ve bestowed on us. Pagbubutihan pa naming lalo ni Vice Mayor Honey Lacuna.”

Ayon kay Moreno, ang lahat ng negosyo ay welcome sa Manila, at tiniyak din nito na mayroon ng katiyakan at katatagan ang pamahalaang lungsod pagdating sa usapin ng mga polisiya.

Binanggit pa ng alkalde na sa ulat ni business permits and licensing office chief Levi Facundo ay mayroong kabuuang 538 na bagong negosyo na nagparehistro mula January 1 hanggang 20, 2021.

“Thank you.. alam ko mahirap magnegosyo ngayon pero nilalakasan nyo ang loob nyo,” sabi ni Moreno.

Ayon kay Facundo, 3,555 na ang naproseso sa pamamagitan online system of payment na ginawa ni electronic data processing chief Fortune Palileo at ito ay ang www.gomanila.com na maaring downloaded sa IOS at android.



Sa pamamagitan ng online payment system, sinabi ni Moreno na hindi na mai-exposed ang sinuman at mababawasan ang posibilidad na magkaroon ng COVID-19, dahil di na kailangan pang pumila at maghintay ng matagal. (ANDI GARCIA)