Advertisers

Advertisers

5 ‘tulak’ bulagta sa buy bust sa Cavite

0 240

Advertisers

TODAS ang limang drug pushers, kabilang ang tatlong miembro ng Bautista Robery Holdup and Motornapping Criminal Gang, nang umalma sa buy bust operations sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.
Kinilala ang mga napatay na sina Avril Castro, 33, ng Barangay Bagbag I, Rosario, Cavite; isang alias CJ; isang ‘di nakikilalang lalaki; alias Fritz Malon Florentino, ng Hotelier Village Brgy. Bucandala 5, Imus City, Cavite; at Ricky Perez alias “Rikitoy”, nasa 30-35 anyos, ng Balai Subd., Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite.
Sa ulat, 3:30 ng madaling araw nitong Linggo nang magsagawa ng buy bust operations ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Rasario MPS at PDEA 4A sa Brgy. Tejeros Convention, Rosario.
Dumating ang target na si Castro sa lugar sakay ang isang motorsiklo at angkas nito si alias CJ at isa pa at agad na nakipagtransaksiyon sa poseur buyer. Sa kalagitnaan ng “bentahan” ay nagbigay ng pre-signal ang poseur buyer na nahalata ni Castro. Bumunot ito ng baril at ipinutok sa kausap, subali’t nagmintis. Kaagad rumesbak ng putok ang mga pulis at nasawi ang tulak.
Sinamantala ng mga kasamahan ni Castro na tumakas. Subali’t nakorner sila ng perimeter security team at nagkaputukan. Patay rin ang dalawa.
Hindi rin inakala ng isang drug suspect na si Florentino na pulis ang kanyang ka-transaksiyon sa buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enfocement Unit (DEU) ng Imus CPS at PDEA 41 12:40 Linggo ng madaling araw sa Brgy Malagasang, Imus City, Cavite. (Irine Gascon)