Advertisers

Advertisers

Charles Nathan ‘di makapaniwalang makakasama sa pelikula si Nora

0 618

Advertisers

Ni RODEL FERNANDO
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang baguhang aktor na si Charles Nathan na makakasama niya sa isang project ang Nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. “Nung nabanggit po sa akin ni Mr. P (Joed Serrano) na may gagawin akong movie na Kontrabida with Ms. Nora Aunor syempre po hindi ako makapaniwala sa una,” sabi ni Nathan sa interbyu namin pagkatapos ng story con ng pelikulang “Kontrabida” noong January 21 sa Annabels Morato. Excited at kabado si Charles sa pakikipagtrabaho sa Dakilang Aktres ng Pilipinas. “Super na-excite po talaga ako kasi makakasama ko ang Superstar. Habang papalapit na ang shooting namin pinaghahandaan ko po at syempre kinakabahan din ako kasi Nora Aunor yung ka eksena ko sa buong movie,” sambit pa niya. “Kaya dapat ko talagang galingan, madaming nagsasabi na iba raw ang mga mata ni Ms. Nora, parang mga mata ni Mama Mary.” Samantala, bago itong pelikula niya with Ate Guy ay nakagawa siya ng sexy movie gaya ng Anak ng Macho Dancer at isang BL serye. May isa pa raw siyang gagawin na may pagkaseksi rin. Ito yung life story ni Joed Serrano. Pero pagkatapos daw ng mga ito ay lilihis muna siya sa mga ganitong klase ng project.
Marami kasi ang nagsasabi na ang kaguwapuhan niya at personality ay dapat sa mga pang-wholesome na proyekto. ‘Yung mga susunod ko po na movie ito ngang Kontrabida with Ms. Nora Aunor tapos next po yung Matinee Idol ito na po yung start. Pero gusto ko pong malaman ng lahat na malaking bagay ang naitulong sa akin ng pagpapaseksi ko sa mga nagawa ko pong projects. Andami ko pong natutunan,” deklara niya.