Advertisers

Advertisers

Charles tinablan sa ka-shower scene sa “ANMD’

0 877

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE
KAHIT hindi pinangalanan ni Presidential Spokesman Harry Roque kung sino ang kanyang tinutukoy, alam na ng mga netizen na si comedian-TV host Vice Ganda  ang pinasasaringan nito.
Matapos kasi ang pahayag ni Vice Ganda kaugnay sa pagpili sa bakuna na sinabing sa sabong panlaba nga choosy tayo sa bakuna pa kaya?,” sinagot ito ni Roque.
Ayon dito, mali naman umanong ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba dahil hindi naman ganoon kadami ang supply ng bakuna. Dagdag nito, kung hindi pagtitiwalaan ang tatlong eksperto na nagsabing puwede gamitin ang Sinovac, sino ang pagtitiwalaan ng mamamayan? 
At sinundan ng pahayag na “Siguro po hindi mga komedyante” na tila pahaging sa naging pahayag ni Vice sa kanyang Twitter account. Sa kasalukuyan ay walang sagot ang komedyante sa pahayag ng Presidential Spokesman pero inaasahan na hindi pa ito matatapos at magkakainitan silang muli. 
****
ISA si Charles Nathan sa cast ng pelikulang Anak ng Macho Dancer, mula sa Godfather Productions ni Joel Serrano, at sa direksyon ni Joel Lamangan. 
Gumaganap siya bilang si Mario na isang macho dancer. Dahil gay film ang nasabing pelikula kaya may mga daring scene rito si Charles.
“Abangan po nila ‘yung shower scene ko with a girl,” sabi ni Charles Nathan
Tinablan ba siya sa shower scene nila?
“May pagdampi kasi na naganap. Kaya lang, may nanonood, eh. Iba pa rin ‘yung pag may nanonood, hindi ka gaganahan. Maku-conscious ka,” natatawang sagot ng binata.
Aminado naman si Charles na hindi lang siya sa pelikula nakatikim ng babae. Maging sa totoong buhay ay na-experience niya na ang makipag-sex. 15 years old siya nang unang subukan ang makipagtalik.
“Magkasing-edad lang po kami nu’ng girl.”
Hindi girlfriend ni Charles ang babae. Classmate niya lang ito.
“May group project po kami. Kasi kaming dalawa lang ang nasa kwarto niya. Siguro hindi na napigilan, ayun. Dahil first time ko po, ‘di ba ‘pag first time, maraming magagawa?” aniya pa na natatawa.
‘Yung mga napapanood ni Charles sex video ang ginawa niya sa girl.
Gwapo si Chales kaya hindi posibleng walang magkakainteres o magkakagusto sa kanyang bakla.
“May mga nagpapansin po, nasa filtered message. Pero hindi ko po ini-entertertain.”
Kapag ipinalabas na ang Anak Ng Macho Dancer sa January 30, sino ang unang-unang sasabihan niya na manood?
“Pamilya ko po. Pero sasabihin ko sa kanila, na ‘pag lalabas na ako, magtakip sila ng mata. Medyo nahihiya po ako, eh,” natatawang sagot uli ni Charles.