Advertisers

Advertisers

MANILA HEALTH DEPARTMENT, NAGBABALA LABAN SA BACTERIA SA MARUMING PALAMIG

0 4

Advertisers

MATAPOS iulat ng UP Manila College of Public Health-Department of Medical Microbiology na may natagpuan umanong “drug resistant bacteria” ang mga mananaliksik nito sa 12 stalls na nagtitinda ng ‘palamig’ at kinuhanan ng sample ng tubig na ginagamit, inanunsiyo ni Manila City Health Officer Dr. Grace Padilla ang ‘multi-point action plan’ bilang tugon sa naging resulta ng nasabing pag-aaral.

Ani Padilla, prayoridad ng Manila Health Department (MHD) na mabigyan ng agarang aksiyon ang nabanggit na banta sa kalusugan ng publiko, kasabay ng panawagan na i-report sa kanilang tanggapan ang mga ganitong kaso.

“Pupuntahan po namin uli ang 12 sites na nasama sa study and we will be conducting again the inspection of this ‘samalamig’ stall,” ani Padilla.

Nabatid pa kay Padilla na ang Tondo ay kabilang sa ‘high-risk areas’ kaya inatasan ang mga sanitary inspectors sa anim na distrito ng Maynila na magsagawa ng masusing inspeksyon.

Ayon sa pag-aaral ng UP, ang tubig at yelo ang pinagmumulan ng kontaminasyon ng tubig kaya inobliga ang lahat ng palamig vendors na gumamit ng ‘ certified potable water’ at yelo mula sa mga aprubadong suppliers.

“(We will) require vendors to use certified potable water and approved ice supplier, hindi lang ‘yung basta-basta,” dagdag pa ni Padilla at kinakailangan din umano na may maipakitang certification dahil ito ay ‘mandatory’ sa tuwing may inspeksiyon.

Aniya, isasaillaim sa hygiene training program ang mga vendor, kung saan bibigyan sila ng certificate kapag nakakumpleto ng training.

“May certification kaming ibibigay sa kanila para ma-uplift naman or ma-motivate sila na gawin ‘yung mga tamang hygiene procedure,” ayon pa kay Padilla. (JERRY S. TAN)