Advertisers

Advertisers

PAGLILITIS NI MISFIT SARA, GONGDI TULOY-TULOY NA

0 11

Advertisers

KAKATWA ang sitwasyon ng Filipinas. Lilitisin sa kani-kanilang krimen ang mag-ama mula Davao City na sina Gongdi at Misfit Sara. Isinakdal si Gongdi ng crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). Kasalukuyang nakakulong si Gongdi sa piitan ng ICC sa Scheveningen, Olanda kaugnay sa malawakang patayan sa madugo ngunit palpak war on drugs niya noong siya ang pangulo ng bansa.

Sakdal na paglabag sa Saligang Batas ang haharapin ni Misfit Sara sa Senate impeachment court. Isinumite ng Camara de Representante sa Senado ang Articles of Impeachment kung saan idinetalye ang mga paglabag umano sa Saligang Batas ni Misfit Sara, bise presidente ng bansa. Kapag nahatulan ng guilty si Misfit, matatanggal siya sa poder bilang pangalawang pangulo. Hindi siya maaaring tumatakbo sa halalang pampanguluhan sa 2028.

Magsisimula ang paglilitis kay Gongdi sa ika-30 ng Nobyembre; ika-6 ng Hulyo kay Misfit Sara. Sumasailalim sila sa ibayong paghahanda ang kani-kanilang kampo, mga taga-usig, at kahit ang kani-kanilang hukuman.Kasalukuyang nag-uusap ang pangkat ng taga-usig at tagapagtanggol kung ano ang susundin na alituntunin at mga katibayan na iniharap sa paglilitis ni Misfit Sara sa Senado. Sa punong himpilan ng ICC sa The Hague, inihahanda ng magkabilang panig ang kani-kanilang katwiran sa pagbubukas ng paglilitis ni Gongdi.

Hindi madali ang paghahanda sa sakdal ni Gongdi dahil hindi lang mga alituntunin at katwiran ang pinag-uusapan ng magkabilang kampo. Kasama sa mga binubusisi ng ICC Trial Chamber III ang kalusugan ng tumatandang kriminal. Sakitin umano si Gongdi dahil 82 na siya. Sasailalim ng ibayong pagsusuri upang malaman ang kahandaan ng kalusugan sa masalimuot na paglilitis.

Kahapon, hiningi ni Judge Joanna Korner, presiding judge ng tatlo-taong Trial Chamber III na lilitis kay Gongdi, na tigilan na ng kampo ni Gongdi ang pagbibigay ng hindi kanais-nais at katanggap-tanggap na kuro-kuro hinggil sa sakdal kay Gongdi. Nayamot si Korner sa mga opinyon na pumapabor kay Gongdi.

Kung may nais sabihin, huwag sa labas sabihin. Marapat na sabihin iyon sa hukuman. Huwag sa hukuman ng opinyong publiko. Sabihin iyon sa ICC, ani Korner kahit nagbabala siya sa kampo ni Gongdi na iwasan ang pagpapakalat ng mga fake news, o huwad na balita. Sinupalpal ni Korner ang kampo ni Gongdi na nagkalat ng mga pekeng balita at iba pang kasinungalingan upang iligaw ang publiko lalo na ang mga mamamayan sa Filipinas na labis na interesado sa takbo ng sakdal laban kay Gongdi.

May mga susunod na status conference ang magkabilang panig sa ika-14 ng Hulyo, ika-7 ng Oktubre, at ika-2 ng Nobyembre, ani Korner. Layunin ng mga pulong na balangkasin ang mga iba pang isyu sa susundin na patakaran at alituntunin ng paglilitis. Nagbigay ng deadline na ika-18 ng Agosto sa mga medical expert ng ICC upang mag-ulat sa kalusugan ni Gongdi.

***

IBA ang sitwasyon sa paglilitis ni Misfit sa Senate impeachment court. Tumagal ang proseso dahil hindi pa natatapos ang proseso ng pagmarka sa mga dokumento sa isyu ng confidential fund na tinanggap umano ni Misfit Sara at tagong yaman umano niya at asawa na si Manash Carpio. Masyadong marami ang mga hinaharap na ebidensya. Humihingi ng palugit ang kampo ng mga taga-usig na pinamumunuan ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas. Hangad ng prosecution team na matapos ang proseso ng markahan sa Huwebes.

Hindi ordinaryo ang proseso dahil pawang mga dokumento at hindi opinyon ang hinaharap ng Prosecution Team sa kanilang bintang na paglabag sa Konstitusyon laban kay Misfit. “Labanan ng dokumento at hindi opinyon ang paglilitis,” ani Kin. Joel Chua ng Maynila, isa sa mga taga-usig mula sa Camara. Kaya ibayong tiyaga at sipag ang ginagawa ng mga taga-usig dahil hindi ordinaryong katiwalian o pagnanakaw ang ginawa ni Misfit.

Apat na pangkat ang nagtatrabaho sa mga exhibit markings; isa sa unexplained wealth; tatlo sa confidential funds, ani Luistro. Dahil sa dami, alinlangan sila kung matapos ang trabaho sa Huwebes kahit nagpahayag sila na maaaring silang magtrabaho sa Sabado at Linggo matapos lang ito. Maaaring magdagdag sila ng pangkat, ani Chua.

“Alam namin na Friday and Saturday walang pasok ang Senado pero because of these voluminous documents, kino-consider na rin namin na pati ang Friday at Saturday kung papayagan tayo na magamit na rin,” ani Chua. Ayon kay Luistro, abot ang Deped payment-related sa 1,900, at mahigit sa 2,000 ang dokumento ng Office of the Vice President.

Tumatagal ang pagmamarka dahil gusto ng defense team na may sarili silang marka sa mga magkakahiwalay na mga dokumento.“Magkakaroon ng comparison of document before marking, one for the prosecution and next for the defense,” aniya.

Maliban sa exhibit markings, may iba pa silang pinagkakaabalahan. Kasama ang paglabas ng iba pang saksi tatlong araw bago ang presentation,ang partisipasyon ng public at private prosecutors sa paghaharap ng mga saksi, at ang posibleng pagbubukas ng mga BIR box sa pinakamadaling panahon.

“We will be finalizing our position regarding those matters and whatever will be the decision of the team, we might be filing a manifestation tomorrow,” ani Luistro. “Our comment to their purposes for which the witnesses are being presented are very general,” aniya.

***

MGA PILING SALITA: “He was a good man. He never asked for any favor from any of his appointees in the judiciary. He may have been initially so frustrated with our ruling in the DAP case but eventually he accepted it. He was the only living president I knew who actually championed the independence of the judiciary. He was a good, honorable man.” – Chief Justice Ma. Lourdes Sereno tungkol kay PNoy