Advertisers
Sa lugmok na ekonomiya kailangan ang mahabang panahon sa pagbangon ng madama ng bayan ang kagalingan ng kabuhayan. Sa kasalukuyan, lumobo ng lumubo ang utang ng bansa mula sa international o sa mga lokal na “financial institutions”. Sa paglobo ng pagkakautang ng bansa, ‘di dama ng bayan ang paggalaw ng kabuhayan pangkaunlaran, sa halip tuliro ang mamamayan kung saan kukuha ng pantustos sa araw – araw. Sa likod ng dami ng mga mahuhusay na mga ekonomista sa bansa, hindi uminam ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa / ng mga Pinoy at tila higit na nagipit. Sa totoo lang, dumarami ang mahirap na Pinoy sa taas ng halaga ng mga bilihin. Hindi makasabay ang sahod ng karaniwang tao sa mataas na bilihin habang patuloy na lumalayo ang presyo sa ‘di batid na dahilan. Sa una, silip ang dahilan, ang pagkakaroon ng giyera sa Gitnang Silangan na dahilan sa mataas ng presyo ng bilihin ngunit tila ‘di ganap na dahilan o rason sa pagkakaroon ng usapang pangkapayapaan. At ang malayang paglalayag sa lagusan na isinara ng bansang sangkot sa giyera.
Sa pagpapalalim, nasilip ang pagmahal ng mga produksyon sa dahilang higit na dumami ang gawa o produktong ng pangangailangan ng tao. Sa dami ng gawa tumaas ang tustusin sa kapital na dahilan na pigilan ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa. Sa ‘di pagtaas ng sahod ng manggagawa ‘di ganap mailabas ang mga gawa sa merkado sa dahilan ng kataasan ng presyo na ‘di kaya ng sahod ng mga lumikha ng produkto. Sa pagpigil sa paglabas ng mga likhang gawa, tumaas ang pangangailangan at itinali ang halaga ng bilihin sa pagkunsumo sa laki ng pagkagusto o paggamit sa mga likhang gawa. Sa totoo lang, silip na nagmamahal ang bilihin dahil sa dami ng bumibili na ‘di makayanan ng panustos at pangangailangan sa mga bilihin. Sa totoo lang, lumaki ang pangangailangan sa dami ng tao o populasyon na ‘di nangangahulugan na mula sa tao sa laylayan. Sa pag-aaral, dumami ang nasa gitnang uri sa bansa na naghahanap ng maayos na uri ng produkto. Ang gitnang uri ang naghahanap ng maayos na bilihin sa merkado na labanan sa uri ng may gawa at gumagawa. Ganap na nag-iiba ang gawi ng Pinoy ngunit ‘di makakawala sa matang lawin ang pagkakaiba ng pangangailangan at luhong kunsumo.
Sa totoo lang, ang dami ng tao ang dahilan sa paglaki ng pangangailangan sa pamilihan. Salamat na dumami ang gitnang uri ngunit ‘di dahilan upang masabi na lumiliit ang bilang ng naghihirap. Sa paggawa higit sa bansa, silip ang paglaki ng bilang ng OFW maging ang mga manggagawa sa mga teknolohiya at sa call center. Sa kabilang banda, lumiliit ang bilang ng mga magsasaka’t pamalakaya maging ang ilang obrero sa mga pabrika. Silip ang nangawalang sakahan na naging bahayan na gawa ng ilang mapagsamantalang negosyanteng politiko. Uulitin, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga magsasaka na napipilitang magbago ng hanap buhay higit ang mga anak na pinipili ang maghanap buhay sa labas ng bansa o sa mga call center sa halip na magsaka o mangisda. Sa mahal ng produksyon sa pagsasaka, silip ang pagbaba ng ani sa bansa ng mga pangunahing butil. Hindi banggit ang ‘di makitang ayuda mula sa pamahalaan at pinili ang pumasok sa call center o mag OFW at dahilan sa pang-angkat ng butil sa ibang bansa na ibig ng Pinoy?
Sa totoo lang, napabayaan ng pamahalaan ang kagalingan ng Pinoy higit sa paglago ng populasyon ng bansa na itinuring na problemsa sa halip na tanawin bilang kagalingan. Hindi nagamit ang paglago ng populasyon sa paglikha ng mga paraan na magamit ang mga Pinoy sa larangan na may kapaki-pakinabang. Ang paghiram o pangungutang ang gawa ng pamahalaan at ibinaon ang bawat Pinoy sa bayaring ‘di napakinabangan. Silip ang ‘di tama ang pagtustos sa mga nautang na salapi sa halip na gamitin na payabungin ang ekonomiya ng bansa. Hindi ganap na sala ang pangungutang kung tama ang napaglagyan na napakinabangan sa kaunlaran. Saan napunta ang mga salapi na sana’y nagamit upang magtayo ng maraming negosyo na sana’y napakinabangan sa kasalukuyan, o pumasok sa bulsa ng iilan. Bakit nagawa ng mga negosyante na maging mega-bilyonaryo habang ang pamahalaan ay baon sa utang na bayarin ng bawat Pinoy. Batid ba ng bawat Pinoy ang pagkakautang na P160K?
Sa pag-aaral ng kaayusan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, silip ang paglakas ng mga ekonomiya ng mga bansang dating sinisilip ang kagalingan ng bansa. Ang paglago ng mga ekonomiya ng mga bansa sa Asya, masasabing na kagalingan bansa ang una sa mga lider at ‘di ang sarili. Pansin ang pagkilala sa paglago ng kabuhayan ng ibang bansa sa SEA habang napag-iwanan ang Pinas. Ang kagalingan ng lider na may pagmamahal sa bansa ang nag-angat sa bawat bansa habang ang bansa’y patuloy ang paglugmok sa kahirapan. Nakakalungkot dahil naunahan na ang Pinas ng ilang kalapit bansa na natuto sa mga kaalaman na hinalaw sa ating karanasan. Ang nakakatuwa, ang Pinas na ang nag-aangkat ng mga pangangailangan sa mga bansang tinuruan o natuto sa ating kagalingan. Hindi pa pinag-uusapan ang likas yaman na hitik ang Pinas na ‘di pinakikinabangan ng maraming karaniwang Pinoy.
Pangkabuuang usapin ang ekonomiya dahil dama ng bawat uri higit ang nasa mababang antas na ang isusubo ang pangunahing hanap. Ang salang paghawak sa pangkabuhayan ng bansa o ng ekonomiya ang nagbaon sa bansa sa kahirapan na dahilan sa pangungulelat sa Rehiyon ng Asya gayung tinitingala sa una. Ang kawalan ng malasakit o pagpapabaya sa ekonomiya ng bansa higit sa tao sa laylayan ang dahilan na naglagay sa bansa sa hulihan sa kabuhayan. Ang likas yaman na ‘di mapakinabangan na nilapastangan ng iilan ang dahilan sa lugmok na kabuhayan. Ang salang pangungutang na ‘di ginamit sa tama at pakinabang sa iilan ang sadyang nagpahirap sa bansa at sa Pinoy. Ang usapang ekonomiya ang laging dahilan sa pag-uusap ng mga lider sa mundo na ‘di napulutan ng aral ng lider ng bansa. O’ sadyang may kaalaman gayun una ang sarili at ‘di ang bayan. Ang pagkasadlak sa kabuhayan ng bansa ng Pinoy ang dapat pag-isipan ng mga lider ng makaranas ng kagalingan o kaginhawahan ang Pinoy, maari po ba…
Maraming salamat po!!!!