Advertisers

Advertisers

SENADO PASOK SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING INCIDENT

0 8

Advertisers

IIMBESTIGAHAN na ng Senado sa Hulyo 1 ang nangyaring fatal shooting incident sa isang paaralan sa Tacloban City kung saan tatlong estudyante ang nasawi.

Pangungunahan ni Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality Chairperson Senator Risa Hontiveros ang imbestigasyon sa susunod na Miyerkules kung saan kasama rin sa sisilipin ang lumalaking banta ng online radicalization sa mga kaba-taan.

Pahayag ni Hontiveros, muling bubuksan ang pagdinig kung saan sisiyasatin ng komite kung may papel ang mga online platforms para ma-brainwash at ma-radicalize ang mga kabataan para magkagawa ng karahasan.



Tinukoy ng senadora ang naunang imbestigasyon noong April 14 kung saan nabunyag na ang mga online platforms at gaming spaces ay nagagamit umano sa pag-groom, pagmanipula at pag-radicalize ng kaisipan ng mga kabataan sa karahasan.

Titingnan ng mambabatas kung may sapat na ginagawa ba ang lahat ng online platforms para hindi mapagsamantalahan ang mga kabataan.



Giit ni Hontiveros, kung ginagamit ang internet para biktimahin ang mga bata, dapat lang na may managot at hindi puro kita lang ang inaatupag ng mga big tech companies.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">