Advertisers
Nagharap ng maraming kaso ang Chinese national na si Tianwu Ye, matapos ma-release kasunod ng 15 buwang pagkakakulong nang walang conviction sa maling bintang umano na siya ay isang espiya.
Napag-alaman na si Ye ay isa sa anim na indibidwal na inaresto noong Marso 2025 sa hinala umanong espionage ukol sa Philippine at US naval activities. Siya ay na-release matapos ma-detine ng 15 buwan nang hindi nacon-convict.
Kamakailan ay nagsampa umano ito ng serye ng ligal na aksyon laban sa mga awtoridad na humawak sa kanyang ‘wrongful case.’
Ayon sa media reports, nitong March 27, 2025 ay dinakip ng NBI operatives ang anim na Chinese nationals dahil sa pagkuha umano ng ‘di awtorisadong mga litrato ng Philippine at U.S. naval vessels.
Gayunman, matapos ang masusing imbestigasyon, lahat ng kaso ay na-drop at ang mga detainee ay pormal na inabswelto sa anumang kamalian.
Kasunod ng pagkakakulong ng higit 15 buwan sa New Bilibid Prisons, humihiling ngayon ng pananagutan si Ye sa pagkakamaling ginawa umano sa kanya.
Napag-alamang nagharap ito ng disbarment complaint sa Korte Suprema laban sa mga awtoridad na naka-rehistro sa Philippine Bar na humuli sa kanya, para sa paglabag sa legal ethics.
Nagsampa din ito ng administrative complaint sa Professional Regulation Commission (PRC) laban sa licensed professional na mga personnel na me kinalaman sa kaso. Inakusahan niya sila ng paglabag sa professional regulatory laws at ethical codes of conduct.