Advertisers
SINILBIHAN ng bagong arrest warrants mula sa Zambales at Surigao ang ilang dating bodyguards ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ilan sa mga dating bodyguard na tinaguriang “Maleta boys” ay makakalaya na sana mula sa San Juan City police station.
Nagawang makapagpiyansa ni Atty. Levito Baligod at apat pang dating bodyguards matapos ma-detain sa kasong ‘unjust vexation’. Nananatiling naka-detain ang 10 pa sa kanila.
Sa kabila nito, tatlo sa mga pinalaya kasama ni Baligod ay boluntaryong sumuko sa pulisya matapos silbihan ng panibagong warrant mula sa korte sa Iba, Zambales.
Makalipas nito ay duma-ting ulit ang panibagong arrest warrant mula sa Surigao.
Hindi pa natatanggap ng kampo ng mga dating bodyguard ni Co ang kopya ng arrest warrant.
Ang mga naka-detain sa San Juan police station ay bahagi ng 18 dating bodyguards na nagsabing naghatid sila ng male-male-tang cash sa ilang persona-lidad kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sa kabila nito, apat sa mga bodyguard na ito ang nagbawi ng kanilang alegasyon.
Samantala, si Co, na mastermind sa flood control scheme ay nagtatago parin sa mga awtoridad at pinaniniwalaang nasa Europe.