Advertisers

Advertisers

Lider ng terorista, 3 tauhan todas sa engkuentro

0 14

Advertisers

TODAS ang lider ng isang natitira pang pangkat ng nabuwag ng teroristang Dawlah Islamiya at ang kanyang tatlong tauhan nang makaengkuwentro ang mga pulis at tropa ng Philippine Marines sa Barangay Tapayan, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, Biyernes ng hapon.
Ang nasawi ay kinilalang si Yusa Ganoy, lider ng isang grupo ng hindi na aktibong Dawlah Islamiya at may koneksyon din sa mga nalalabi pang miyembro ng matagal nang nabuwag na Bangsamoro Islamic Freedom fighters, at may kinakaharap na iba’t ibang kaso sa mga korte sa Central Mindanao, kabilang ang double murder, destructive arson at paglabag ng Anti-Terrorism Act of 2020.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Sabado nila Brig. General Christopher Abecia, direktor ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ni Army Brig. Gen. Ricky Bunayog ng 6th Infantry Division, mapayapang hahainan sana ng mga warrant of arrest si Ganoy ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa kanyang pinagtataguan sa Sitio Masagana, Barangay Tapayan, ngunit siya at ang kanyang tatlong kasama ay nagpaputok kaya nagkabakbakan.
Magkatuwang sa operation ang mga operatiba ng CIDG Regional Field Unit Bangsamoro Autonomous Region, ang 2nd Marine Battalion ng 1st Marine Brigade ng Philippine Navy at mga unit ng PRO-BAR.