Advertisers

Advertisers

‘WALANG LUSOT SA DQ KAPAG NAALIS SI SARA’

0 37

Advertisers

MARIING iginiit ni House private prosecutor at legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na walang batayan sa Konstitusyon ang panukalang alisin sa puwesto si Vice President Sara Duterte ngunit pahintulutan pa rin siyang tumakbo sa mga susunod na halalan.

Ayon kay Tolosa, nakasaad sa Konstitusyon na kapag napatunayang nagkasala sa impeachment ang isang opisyal, maaari siyang alisin sa puwesto at tuluyang ma-disqualify sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Sa ilalim ng Article XI, Section 3(7) ng Konstitusyon, ang parusa sa impeachment ay maaaring umabot sa pagtanggal sa puwesto at diskuwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong posisyon. Maaari ring managot ang opisyal sa hiwalay na kasong kriminal.



Binigyang-diin ni Tolosa na hindi nagbabago ang posibleng parusa kahit isang artikulo na lamang ang natitira sa impeachment case laban kay Duterte.

Samantala, itinanggi ng kampo ni VP Duterte ang mga alegasyon at inaasahang ilalahad ang kanilang ebidensiya sa pagpapatuloy ng paglilitis sa Senado.



Klinaro rin ng prosecution na hindi nangangahulugan ng pagkakasala ang kanilang mga alegasyon, dahil ang Senate impeachment court pa rin ang magpapasya batay sa ebidensiya at Konstitusyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">