Advertisers
LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlong estudyante ang nasawi habang lima ang sugatan noong Lunes, Hunyo 22.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, batid ng Pangulo ang lungkot at takot na nararamdaman ng mga magulang lalo na ng mga nabiktima kasunod ng insidente.
Ani Castro, iniutos ni Pangulong Marcos ang ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari.
Pinatitiyak din nito ang proteksyon at kaligtasan sa lahat ng lugar, mapa-opisina, establisyimento at paaralan.
Binigyang diin ng Malakanyang na walang puwang ang ganitong uri ng karahasan saan mang lugar lalong lalo na sa mga paaralan.
Kinilala naman ng Palasyo ang mabilis na pagkilos ng mga otoridad para agad mahuli ang mga suspek.
Sa inisyal na report ng mga otoridad, 3 estudyante ang nasawi, dalawa rito ay kapwa babae, isa ang lalaki, habang 22 iba pa ang nasugatan. (Vanz Fernandez)