Advertisers
Una sa lahat, nais iparating ng dalawang pasaherong senior citizens ang kanilang lubos-lubos na pasasalamat kay China Southern Airlines Station Supervisor Lewis Chua at airport representative Nico Ng para sa pag-asikaso sa kanilang mga katanungan at kailangan nang magtungo ang mga ito sa kanilang tanggapan sa NAIA Terminal 3 kamakailan lamang.
Matiyaga nilang sinagot lahat ng katanungan at tumulong sa mga kailangan ng dalawang pasahero na nagwalk-in lamang sa kanilang tanggapan. Kudos sa China Southern Airlines sa pagtatalaga ng mababait na opisyal at staff!!! Sana, lahat ng airline offices ganyan.
***
Kelan lang, sumablay ang Air Asia nang mag-divert ang kanilang flight Z2 823 na galing Da Nang, Vietnam, sa Clark International Airport nitong Agosto 17. Palapag dapat ang nasabing eroplano sa NAIA Terminal 1 dakong tanghali pero kinailangang mag-divert dahil sa masamang panahon.
Pagdating sa Clark, hindi pinalabas ng eroplano ang mga pasahero sa loob ng humigit-kumulang sa apat na oras. Maayos naman daw ipinaliwanag ng cabin crew kung bakit sila kinakailangang manatili sa loob ng eroplano.
Ang problema, pinatay ang airconditioning system sa loob ng mahabang paghihintay. Dahil diyan, may mga na-suffocate
Ayon sa pahayag ng pasaherong si Lei Aquino sa interview ni GMA News reporter Bam Alegre, sarado umano ang pintuan ng eroplano habang patay ang aircon.
“Imagine, there was no air circulating inside so madami ang nag-suffocate, nag-collapse.. panic.”
Idinagdag naman ng kanyang kasamahang si Jay Aquino na ‘disappointed’ sila dahil di daw naging ‘transparent’ ang airline at ilang oras pa ang lumipas na ganun ang sitwasyon nila hanggang sa may hinimatay na nga.
Puno ng hinanakit pang sinabi ni Jay Aquino: “ibenenta pa nila ‘yung water at tsaka snacks sa amin bago nila patayin ‘yung AC (aircon)… so, narealize na need namin ng food and snacks nung nawala na ang AC at me mga nahihilo na.. ‘yung news na they gave us, di po totoo ‘yun. Binentahan po nila kami.”
Ang pinatutungkulan niya ay ang public statement ng airline na nagbigay daw sila ng snacks, tubig at full meals habang inaareglo ang sitwasyon.
Dahil diyan ay nagbabalak daw ang dalawang pasahero na magharap ng pormal na reklamo kesa sa social media lamang ilabas ang kanilang hinaing.
“The fact that they (airline) posted a public statement without sorting out first what happened sa loob, that’s very unacceptable,” ayon pa kay Jay.
Iniulat din ng GMA na ilang pasahero ang sumakay na lang ng P2P bus upang makarating ng Maynila pero kanya-kanyang bayad din at dumating ang bus sa NAIA Terminal 3 pasado ala- 1 na ng Agosto 18.
Sa isang statement, sinabi naman ng Air Asia na: “passengers were not kept onboard unnecessarily while a decision was being made. As this was a diversion to Clark, which was not the flight’s scheduled destination, the deplaning of passengers required coordination and clearance with the relevant airport authorities and immigration, as well as the assignment of an appropriate gate and designated area for the passengers.”
“The decision was made with the safety of guests and crew as our top priority. Upon arrival in Clark, guests were assisted and are being accomodated at the boarding gate provided by airport authorities. We understand the inconvenience this has caused our guests. However, given the prevailing weather conditions, safety remains our priority. Necessary operational proceeses and coordination must also be compleleted before the flight can continue to Manila. Our ground staff provided snacks while hot meals are being prepared.”
Ang nakakapagtaka, kung kinailangang patayin ang aircon dahil nagtitipid sa fuel, bakit di nagbukas kahit isang pinto lamang para pumasok ang sariwang hangin habang nakikipag-ugnayan sa Clark? Bakit di pinagana ang Auxiliary Power Unit (APU)?
Ang bawat airline ay may APU. Ito ay isang maliit na independent turbine engine sa aircraft na pwedeng magbigay ng energy at hangin, kapag nakapatay ang engine ng eroplano.
Dapat din sana nagkaroon ng makataong hakbang kung saan pinayagan sana ng lumabas panandalian ang mga bata, matanda, buntis, PWD at iba pang tinatawag na ‘vulnerable sectors.’
Kung immigration naman ang problema, dapat na kinausap ng airline ang operator ng Clark na Luzon International Premiere Airport Development o LIPAD upang siyang kumausap sa immigration na payagan munang lumabas ng eroplano ang mga pasahero.
Sa ilalim ng passenger bill of rights, dapat din na magbigay ang airline ng pagkain at inumin pagsapit ng ikatlong oras ng delay.
Tapos, binentahan pa ang mga pasahero ng tubig at pagkain at pinabayaang gumastos pabalik ng Maynila.
Kung binigyan sana ng libreng pagkain at tubig at sakay pa-Maynila ang mga pasahero, kahit paano nabawasan ang kanilang tensiyon, galit at trauma sa sinapit sa pagsakay sa Air Asia.
Sino ba namang pasahero ang matutuwa sa sistemang ito ng Air Asia? Sobrang sablay. Hindi talaga makatao. Grabe.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.