Advertisers

Advertisers

Mga mambabatas na ‘di pumapasok dapat walang sahod, tanggalin sa puwesto

0 9

Advertisers

HINDI na dapat pinasasahod ang mga mambabatas (kongresista at senador) na ilang buwan nang ‘di pumapasok nang walang sapat na rason tulad ng pagpapagamot o nagpapagaling sa karamdaman.

Oo! Dapat magpasa ng batas ang kongreso na maglilimita sa kung ilang linggo lamang ang dapat na “bakasyon” ng isang mambabatas. Dahil lugi ang taxpayers sa kanila. Mantakin mo sumusuweldo sila ng daan daang libong piso kada buwan na namamasyal lamang. Animal!

Tulad nitong si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, siyam na buwan na yata itong absent sa Senado. Una anim na buwan siyang ‘di nagpakita mula 2025. Lumabas lamang siya Mayo 13, 2026 para lang bomoto para mailuklok sa pagka-Senate President si Alan Peter Cayetano. Tapos naglaho Mayo 14. ‘Di na ito nagpakita hanggang ngayon. Pero patuloy siyang sumusuweldo pati mga staff niya. Maling mali, ‘di ba, mga pare’t mare?

Ang mag-inang Congressman Leandro Leviste at Senador Loren Legarda-Leviste, lumagpas na sila sa araw ng kanilang “pamamasyal”. Humingi ng extention. Tila wala silang pakialam sa mga nangyayaring kalamidad sa bansa. Fuck!

Kung ang isang government employee na nagliban ng ilang araw ay agad sinisibak sa trabaho, dapat ganun din ang mga halal na opisyal. Dahil considered govt. employee narin sila. Pinasusuweldo sila ng taumbayan eh. Mismo!

Or for delicadeza, kusa nalang sana magbitiw sa tungkulin ang mga halal na opisyal na puros pamamasyal lamang ang ginagawa. Tulad nitong si Vice President Sara Duterte-Carpio, tinaguriamg ikalawang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas pero tila walang paki sa mga nangyayaring kalamidad sa bansa. Inuuna pa ang panonood ng concert kesa sa pagtulong sa mga naglagay sa kanya sa puwesto. Pukaw na mo!

Again, sana may tumayong mambabatas na magpanukala – kung ilang linggo lamang dapat ang maging absent ng isang halal na opisyal para putulan ng suweldo o alisin sa kapangyarihan, maliban lamang kung may sapat na batayan ng kanyang mga pagliban. Mismo!

***

Ibinunyag ni Senador Ping Lacson ang napakalaking pondo para sa pagpatayo ng evacuations centers para sa 2027 budget – P3 billion!

Sinai ni Lacson na ang 17 rehiyon ay pare-parehong may pondong P180 million bawat isa gayong hindi naman magkakasinlaki ang mga rehiyon at may iba’t ibang pangangailangan. Oo nga!

Pinansin din ni Lacson ang napakaraming “ayuda”. Aniya, mistulang budget na ito para sa national elections 2028.

“Sa 2027 budget, parang saganang sagana sa ayuda. Sabi ko sa staff tingnan n’yo ng mabuti baka ayuda budget na ito. Ang ayuda walang masama d’yan pero dapat tingnan ang long term development side ng paggamit ng budget.” Tama si Ping!