Advertisers
ITINUTURING ng National Bureau of Investigation (NBI) na person of interest si CJ Hirro, dating beauty queen at host ng Peanut Gallery Media Network (PGMN).
May kinalaman ito sa sinasabing P350 milyon na tangkang pangingikil ng grupo ni PGMN founder/CEO Franco Mabanta kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, na ipatatawag nila si Hirro dahil kabilang siya sa complaint affidavit ni Noah Nocon, longtime aide ni Romualdez.
Nilinaw ni Matibag na hindi kasama si Hirro sa mga inaresto dahil hindi siya kasama sa aktwal na tumanggap ng mga marked money.
Pero base sa reklamo, aniya, na inihain ng complainant, nabanggit doon ang pangalan ni Hirro.
Marahil, aniya, ay ginamit sa pag-extort o pangingikil ang video kungsaan nandoon si CJ Hirro.
Habang ginagawa ang balitang ito ay pinadalhan na ng subpoena ng NBI si Hirro.