Advertisers
Sa larangan ng serbisyo publiko, ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa pagsunod sa mga utos mula sa nakatataas o sa superyor at sa halip, ay ipinapamalas ito sa komunidad, paggalang sa ating kasaysayan, pagtatayo ng mga imprastraktura para sa kinabukasan, at pagiging ehemplo sa mga nasasakupan.
Kamakailan, ipinamalas ng Bureau of Fire Protection (BFP) Buenavista (Bohol) Fire Station ang isang kahanga-hangang halimbawa ng malawak at maagang paghahanda para sa kaligtasan ng publiko.
Sa likod ng positibong siglang ito ay ang kultura ng pagpapahalaga at inspirasyon mula sa itaas. Sa pamumuno ni Municipal Fire Marshal FSInsp Aproniano C. Torrejos at sa ilalim ng superbisyon ni Bohol Provincial Fire Marshal FSupt. Raul G. Bustaliño, taos-pusong nagpasalamat ang buong istasyon kay Regional Director FCSupt Fred Linazan Trajeras Jr., DSC. Isang pagpupugay na lubos na nararapat.
Sa ilalim ng pamumuno ni FCSupt. Trajeras sa BFP Region 7, nakita at dama ang mas higit na pagpapatatag sa kaligtasan ng Gitnang Visayas at ang pagpapabuti sa kapakanan ng mga bumbero. Kapag ang pamunuan ay tunay na nagmamalasakit sa kanyang mga tauhan, ang positibong enerhiyang ito ay natural na umaagos pababa sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Pinatunayan ito sa pamamagitan ng apat na mahahalagang haligi ng kanilang serbisyo – una’y ang pamumuhunan sa kinabukasan. Ang tunay na kaligtasan ay nakasalalay sa mabilis na pagresponde. Sa ginawang hakbanging nina FSInsp. Torrejos -ang daluhan ang sesyon ng Barangay Overland at ipanukala ang kauna-unahang fire substation dito, ay isang napakatalinong desisyon.
Nagtagumpay ang direktang pakikipagpulong ng tropa ni Torrejos sa mga opisyal ng barangay makaraang makakuha ng donasyong lupa para sa pasilidad. Hindi lang ito isang simpleng tagumpay sa papel kung hindi, ito ay isang linyang magliligtas ng buhay para sa mga residente ng Overland, na magtitiyak na mas mabilis silang mararating sa oras ng peligro.
Ikalawa’y ang paghahanda laban sa sakuna – ang pagkakaroon ng pagsasanay at edukasyon. Dito ang tagumpay ng isang fire station ay hindi lamang sinusukat sa dami ng apoy na kanilang napatay, kundi sa mga sakunang kanilang naiwasan. Napatunayan ito ng BFP Buenavista sa dalawang paraan. Una, sa pamamagitan ng pangunguna sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Cangawa National High School kung saan ay tiniyak nilang handa ang ating kabataan sa oras ng lindol. Pangalawa, ang kanilang pagbibigay ng Fire Safety Lecture sa mga may-ari ng negosyo at boarding house sa Barangay Cangawa ay isang mabisang hakbang.
Bukod pa sa pagtuturo sa kanila ukol sa fire codes, evacuation plans, at ang aktwal na paggamit ng fire extinguisher sa mga mamamayan mula sa pagiging pasibo tungo sa pagiging katuwang sa kaligtasan.
Ikatlo naman ay pagpapakita ng ehemplo ng Disiplina sa paraang kalusugan at lakas ng katawan. Hindi natin dapat kaligtaan ang kahalagahan ng kalusugan na ipinapakita ng kanilang mga pinuno. Ang paglahok mismo ni Regional Director FCSupt. Trajeras Jr. sa paglalaro ng lawn tennis kasama ang mga lokal na tauhan sa poblacion ay nagpapadala ng isang malakas na mensahe.
‘Ika nga, ang pagiging bumbero ay isang mabigat at mapanganib na propesyon. Sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag-eehersisyo, ipinapaalala ng pamunuan na ang kahandaan sa pagresponde ay nagsisimula sa isang malugod at malusog na pangangatawan at nagkakaisang grupo.
Habang ang ikaapat naman ay ang makabayang serbisyo, ang pagbibigay halaga sa mga ipinagdiriwang na historic events sa sa bansa, tula ng paggunita sa Araw ng Kalayaan.
Bukod sa pisikal na imprastraktura at kahandaan sa sakuna, ang tunay na serbisyo publiko ay malalim na nakaugat sa tungkulin sa bayan. Ito ay buong-pusong ipinakita ng mga tauhan ng BFP Buenavista sa kanilang pakikiisa sa lokal na pamahalaan sa Municipal Hall Grounds para sa pagdiriwang ng Ika-128 na Araw ng Kalayaan.
Sa pamamagitan ng pagtayo kasama ang komunidad upang parangalan ang katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani, ipinalala ng BFP na ang modernong kabayanihan ay makikita ngayon sa pagtatanggol sa buhay, pag-aalaga sa ari-arian, at pagpapatatag ng lokal na katatagan. Mahusay nilang ipinahayag ang isang mahalagang katotohanan – ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ang kawalan ng pang-aapi—ito ay ang ating sama-samang responsibilidad na magtayo ng isang ligtas, maunlad, at nagkakaisang bansa.
Ipinapakita ng Buenavista sa buong lalawigan kung paano ang tamang pagtatrabaho. Sa pamamagitan ng pagpaplano ng imprastraktura, edukasyon sa komunidad, aktibong pamumuno, at malalim na paggalang sa pamana ng ating lahi, ang ating mga lokal na bumbero ay hindi lamang naghihintay ng emergency kung hindi ay aktibo nilang itinatayo ang isang mas ligtas at matatag na Bohol.
Buenavista Fire Chief, Sr. Insp Torrejos,sampu ng inyong mga opisyal at tauhan, mabuhay kayo at saludo ang bayan sa inyo, mga sir.