Advertisers

Advertisers

Violent online games ipagbabawal – DILG

0 5

Advertisers

IMINUNGKAHI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibilidad ng tuluyang pagbabawal sa online video games na naglalaman ng matinding karahasan.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, dapat pag-aralan ng Kongreso at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang panukalang ‘total ban’ sa violent online games para sa proteksyon ng mga kabataang Pilipino.
Kasunod ito ng mga report na isa sa mga salarin sa pa-mamaril sa isang paaralan sa Tacloban City ay nahilig sa isang online game na tinatawag na ”GoreBox”.
Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), ang GoreBox ay isang larong nagbibigay-daan sa mga manlalaro na gumamit ng armas at gumawa ng iba’t ibang senaryo na may kinalaman sa karahasan.
Pansamantalang hinarang ng CICC ang access sa natu-rang laro sa bansa habang sinusuri ang pa epekto nito.
Ayon sa DILG, maaari ring isaalang-alang ang kaparehong hakbang laban sa iba pang online games na may katulad na nilalaman.
Sinabi ni Secretary Remulla na maaaring magkaroon ng epekto ang paulit-ulit na exposure ng kabataan sa marahas na content, at dapat ani-yang pag-aralan na ito kung paano makakaapekto sa kanilang pag-uugali at pag-iisip.
Gayunpaman, patuloy parin ang pagtalakay ng mga eksperto kung gaano kalaki ang epekto ng violent video games sa aktuwal na kilos ng isang tao, dahil maraming salik ang maaaring makaapekto sa pag-uugali ng kabataan.