Advertisers

Advertisers

Senglot na parak nanutok ng baril, sibak

0 7

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang pulis na nanutok ng baril sa isang lalaki sa Dapitan City.
Nakuhanan ng CCTV video na sinisigaw-sigawan ng lasing na pulis ang isang lalaki habang tinututukan ito ng baril sa Barangay Antipolo, Linggo ng gabi.
Hinawakan pa ng pulis ang buhok ng lalaki at itinulak hanggang sa matumba sa kinauupuan nito.
Umalis ang pulis at umihi sa tabi ng kalsada, kungsaan nakatiyempo ang lalaki na rumesbak: sinuntok ang pulis saka kumaripas ng takbo.
Ayon sa Misamis Occidental Police Provincial Office, iniimbestigahan nila ang na-sabing pulis na naka-assign sa Sapang Dalaga Municipal Police Station.
“The concerned police officer has already been relieved from his present assignment and placed under restrictive custody at the Police Provincial Office and disarmed pending the outcome of the investigation,” sinabi ng Mi-samis Occidental police sa social media.
Sa isang spiritual devotion sa provincial headquarters na pinangunahan ng isang pastor, nagbigay din ng mensahe ang naturang pulis at sina-bing kumakapit siya sa Panginoon para malutas problema na labis niyang pinagsisisihan.