Advertisers

Advertisers

‘Cong-tractor’ sinermunan ng Sandigan justice

0 2

Advertisers

SINERMUNAN ng San-diganbayan judge si Tarlac 3rd District Representative Noel “Bong” Rivera sa pagdalo sa court hearing na nakasuot lamang ng t-shirt at pantalon.
Si Rivera ang isa sa umano’y “cong-tractor” na sangkot sa multi-bilyong pisong flood control scam kungsaan ang mga mambabatas, opisyal at kontraktor ay nagsasabwatan upang mapunta ang pondo ng bayan sa mga ghost infrastructure project.
Sinabihan ni Sandiganba-yan Presiding Justice Geraldine Econg si Rivera na: “For a congressman to appear like that in court, you do not respect the court? Do you want to appear many times so you will know how to dress properly?”
Wala pang tugon si Rivera kaugnay nito.
Samantala, sinabi ng kampo ni Rivera na hindi natuloy ang arraignment at inilipat ito sa Agosto 18.
Nahaharap ang mamba-batas sa 9 counts ng graft.