Advertisers

Advertisers

Nasamsam na pera ni Duterte nang maaresto pina-freeze ng ICC

0 8,466

Advertisers

UNA sa lahat, nakikiramay ako sampu ng aking pamilya sa pagpanaw ng isang matino at mahusay na dating opisyal ng Romblon province na si retired Judge at ex-Governor Jose “Joe” Madrid ng Barangay Danao Norte, Sta. Fe, Romblon.
Si “Judge Madrid”, ang kinasayang tawag ng mga nakakilala sa kanya, ang isa sa mga rason kung bakit napalaban ako sa iba’t ibang matataas na posisyon sa politika sa Romblon partikular sa aking bayan. Itinulak nila ako nina ex-Governor “Doc” Lolong Firmalo at ex-Alcantara town mayor Ramie Galicia para labanang mayor ang higanteng politiko sa aming bayan, tapos ikinasa nila akong labanan ang Diyosa ng politika sa Romblon na si Congressman “Budoy” Madrona, at pinatakbong Sangguniang Panlalawigan sa nakaraang local election. Tuloy ang mga taong nakakakilala sa akin ay nalilito na kung ano ba ang dapat itawag sa akin: “Mayor”, “Congressman” o “SP”. Whatever. Hehehe…
Rest in peace Judge. Hinding hindi ka makakalilimutan ng Romblomanon…
***
PINA-FREEZE ng International Criminal Court (ICC) ang nasamsam na pera ni dating Pangulo “Digong” Duterte nung siya ay maaresto noong Marso 2025.
Ito ay tugon ng ICC sa kahilingin ng prosecution.
Si Digong ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) pagkalapag niya galing sa pamamasyal sa HongKong. Higit isang taon na siya ngayon sa ICC jail sa The Hague, Netherlands, kungsaan nagbabayad siya ng higit isang daang milyong piso kada buwan sa kanyang mga abogado.
Hindi binanggit kung magkano ang na-freeze sa yaman ni Digong.
Ang ganitong aksyon ng ICC ay senyales na malakas ang mga ebidensiya laban sa kanya, sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga patayang naganap noong termino niya mula mayor ng Davao City hanggang sa maging pangulo ng Pilipinas.
Nagbabayad na si Digong sa kanyang mga kasalanan…
***
TINUTUTULAN ng defense team na mabuksan ang BIR box na naglalaman ng tax records nina Vice President Rody Duterte at mister na si Atty. Mans Carpio.
Ito’y posibleng takot si VP Sara na mabunyag ang kanyang “tagong yaman” simula nang alkalde siya ng Davao City hanggang sa maging pangalawang Pangulo ng bansa.
Ang BIR box ay isa sa mga ebidensiya ng prosekusyon sa pagbubunyag sa tagong yaman ni VP Sara sa nakatakdang impeachment trial.
Kinuwestyon din ng defense panel ang pagsama bilang testigo ng prosekusyon ang pangalang “Mary Grace Piattos” at iba pang pangalan na ayon sa National Statistics Office ay walang rekord, hindi ipinanganak, hindi ikinasal at hindi namatay.
Ang mga pangalang nabanggit ay kabilang sa itinalang beneficiaries ng kontrobersiyal na intelligence fund ni VP Sara.
Kung bakit kontra ang defense panel na buksan ang mga rekord na ito, maybe dahil mabubuking ang kanilang mga katiwalian.
Again, kung walang kalokohan, walang dapat ipangamba. Mismo!
***
BELATED happy5 bday to ex-Asec. Paul Gutierrez!!!