Advertisers

Advertisers

“PUWEDE” SA SENADO!

0 5

Advertisers

NAGSISIMULA nang ‘mag-viral’ ang panayam ni Boy Abunda kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno, kung saan nang panoorin natin ito ko kahapon, higit 43,000 na ang nakapanood.

At sa panayam, kitang-kita ang kanyang pagiging totoong tao na patuloy na hindi “nilalamon” ng posisyon at kapangyarihan, bagay na hinangaan natin sapul nang magkakilala kami mahigit isang dekada na ang nakaraan.

Madali siyang makapalagayang-loob dahil bukod sa pagiging “mahinahon,” “malumanay magsalita,” at matapat (honest), siya ‘yung “produkto” na ‘what you see is what you get,’ hindi katulad ng ibang lingkod-bayan na mga ipokrito—na andami na rin nating nakilala.

Isang sagot na nagustuhan natin sa kanya na nagpakita ng lawak at lalim ng kanyang pag-iisip, talino at pagiging mapagkambaba ay nang aminin niyang “hindi lahat ay alam mo.”

Alam ba ninyo mga kabayan na sa turo ni Socrates, ang matandang pilosopo ng Greece, ang tunay na “talino” ay nagsisimula sa pag-amin na hindi lahat ay alam mo? ‘He who knows he knows not is wise,” sabi nga niya.

At sa daming nabasang libro at talino ni Comm. Ariel naniniwala tayong kasama sa mga nabasa at “ninamnam” niya ang turo hindi lang ni Socrates, bagkus, nang lahat ng mga “astig” na pilosopo.

Sa dami naman ng mga naging ‘accomplishments’ ni Comm. Ariel na patuloy na umaani ng papuri at suporta, dumarami rin ang nagsasabi na “panahon” nang tumakbo siya sa Senado—para higit na makinabang ang bansa sa kanyang dedikasyon sa serbisyo-publiko, galing at talino.

Sabagay nga, higit namang ‘qualified’ si Comm. Ariel kumpara sa ibang ambisyosong pulpol na pulitiko na gustong maging senador—at kahit sa karamihan sa mga senador natin ngayon.

Ang tanging “problema?” Sadyang wala siyang pondo para sa pagkandidato. Oh, kayo d’yan sa Malakanyang, beke nemen…

Abangan!