Advertisers

Advertisers

KILUSANG ‘RISA NA’ MAY TSAPTER SA KABISAYAAN, MINDANAO

0 8

Advertisers

BAGO ang lahat, isang paglilinaw lang. Anim ang wikang ginagamit sa International Criminal Court (ICC) sa kanilang operasyon at talastasan: Arabic, Chinese, English, French, Russian at Spanish. Ngunit nangingibabaw ang paggamit ng dalawang wika – Frances at English. Ito ang mga wikang kabisado ng maraming nagtatrabaho sa ICC.

Kung kailangan ang tagasalin sa ibang wika, may paraan ang ICC. Sa paglilitis ni Gongdi sa ICC simula sa ika-30 ng Nobyembre, nagpasya ang tatlo kataong Trial Chamber III na gamitin ang Ingles at Frances bilang opisyal na wika. Ngunit nagpasya rin sila na isalin sa Tagalog upang maunawaan ng maraming Filipino ang mga detalye ng paglilitis.

Kinilala ng mga mahistrado ang matinding interes ng mga Filipino sa sakdal na crimes against humanity sa pandaigdigang hukuman kaugnay sa pagpuksa sa humigit kulang na 30,000 katao kaugnay ng kanyang madugo pero palpak na war on drugs. Ipapalabas ng ICC ang kabuuan ng daloy ng paglilitis ng hukuman mula sa punong himpilan ng ICC sa The Hague, Olanda.

***

PANGANGALAP ng mga endorsement, pag-oorganisa ng mga mamamayan na nasa laylayan ng lipunan, at pagtatayo ng mga tsapter sa Kabisayaan at Mindanao – ito ang mga pangunahing gawain ng Kilusang “Risa Na’ mula ng opisyal na ilunsad ang kandidatura ni Risa Hontiveros sa halalang pampanguluhan sa 2028. Inilunsad ang kilusan noong ika-11 ng Hunyo sa Balai ng Alumni sa UP Diliman. Malinaw ang hangarin ni Risa na lumaban sa 2028 at hindi niya hangad na magpakipot.

Minarapat ng kilusan na tahimik na gumalaw habang abala ang pangunahing kaaway ng bayan na si Misfit Sara sa pagtatanggol sa sarili sa impeachment trial na kanyang haharapin simula ika-6 ng Hulyo. Sa pakiwari na marami, sa impeachment trial mauubos ang oras ni Misfit Sara. Ngunit mukhang sasablay ang depensa nga mga mamahaling abogado ng kanyang kampo kundi ikatwiran na may kapalpakan ang proseso ng impeachment.

Pinagbuntunan ng sisi ng kanyang manananggol ang proseso at hindi sinagot ni Misfit ang mga bintang sa kanya. Walang alam na isagot sa mga bintang ang kanyang kampo kundi ipangalandakan na walang matuwid ang Articles of Impeachment. Ngayon pa lang, nakikita namin na mahihirapan si Misfit na lusutan ang kanyang impeachment trial.

Samantala, mas pinili ni Risa na ialok ang sarili lalo na sa mga lugar na mahihirapan niyang marating sa sandaling uminit ang kampanya. Noong nakaraang weekend, inilunsad ng Kilusang Risa Na ang kalipunan ng mga tagasuporta sa Bacolod City, isang siyudad sa gitna ng Filipinas. Tubong Negros at Panay ang pamilya ni Risa. Ilonggo ang kanyang lolo na si Carlos Hontiveros na naging senador nong panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

Paglilinaw lang. Hindi pa ito kampanya. Bahagi lang ito ng pag-oorganisa ng puwersa na bubuo sa kanyang kampo. Sa mga susunod na araw, Lalantad rin ang mga nabuong tsapter ng Kilusang Risa Na sa ilang piling lugar sa Kabisayaan at Mindanao. Iiwasan ng kilusan ang pagkakamali noong 2022 kung saan hindi agad nagpasya si Leni Robredo. Natalo siya ng ganap dahil sa kawalan ng kahandaan.

Hindi namin alam kung sino ang isasabak ni BBM. Maski si BBM, nakatuon ang pansin sa impeachment trial ni Misfit. Maaaring malaman natin sa Nobyembre at Disyembre ang kanyang manok sa 2028. May nabalitaan kami s kanyang napipisil ngunit nagpahayag sila na hindi interesado ng sumabak sa 2028.

***

SAMANTALA, ipinaalaala ni Kin. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng House Prosecution Team, na hindi ang dating sheriff ng Davao City na si Abe Andres ang magpapasya kung haharap siya o hindi sa Senate impeachment court. Kapag nag-isyu ng subpoena ang Senado bilang hukuman, walang magagawa ni Andre kundi humarap at magbigay ng kanyang paliwanag kung bakit pinagbuhatan siya ng kamay ni Misfit kahit ipinatupad niya ang batas.

Ayon kay Andres sa isang pahayag, ayaw niya na makisangkot sa impeachment trial dahil “partisan activity” umano ang paglilitis. Itinanggi ito ni Adiong at binigyan diin na bahagi ito ng mekanismo ng Saligang Batas upang managot ang mga nagkasalang opisyal ng bansa. Ginulpi at ipinahiya siya sa publiko ni Misfit Sara nang ipatupad ni Andres ang isang demolition order sa Davao City kung saan alkalde pa noon si Misfit.

“We understand the apprehension of Mr. Abe. That’s a raw emotion dahil iyong na-experience po niya kay Vice President ay for a person, it is not something worthy to relive, too,” ani Adiong. “I mean, at the very least, that’s an embarrassing, it’s an embarrassing event on a personal level na nakatanggap ng ganong klaseng treatment sa Vice President na ang kanya lang kasalanan ay ginawa niya ang pag-uutos ng korte sa kanya,” aniya.

“As a matter of compliance, again, nag-submit po tayo ng mga list of potential evidence. These are potential evidence. At the end of the day, it is the court that will issue invitation in subpoena,” aniya. Ang Senado ang magpapasya kung ihaharap siya bilang saksi.

“Ang pagkakaalam po natin, once the court issues subpoena or invitation, mukhang iyong ating choice whether to appear or not would not no longer be, you know, will no longer be relevant, especially if it’s a subpoena coming from the court,” aniya. “What I’m trying to say is that the court is actually a non-partisan, non-partisan venue to discuss accountability mechanisms of the Constitution. The Constitution speaks in a manner that does not actually see these charges associated with political partisanship or preferences,” aniya.

“Kaya nga sinasabi po natin is that the court has the discretion to issue invitation and subpoena. And kung na-issue naman po ang korte ng subpoena doon sa mga potential witnesses, sabi ko nga po, personal choice is already immaterial. Kasi the court is exercising their constitutional duty to try and decide the case,” aniya.