Advertisers

Advertisers

RET. NAVY REAR ADMIRAL ANG NANUTOK NG BARIL SA VIRAL POST

0 10

Advertisers

ISANG retiradong rear admiral ng Philippine Navy at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1976 ang nakuhanan sa viral video na nagpa-kilalang “heneral” at nanutok ng baril sa isang motorista dahil sa alitan sa parking.
Ito ang ibinunyag ng beteranong kolumnista na si Ramon “Mon” Tulfo sa isang Facebook post nitong Sabado.
Sa naturang video, makikitang pinapaalis ng matandang lalaki ang driver na kumukuha ng video habang nakaparada malapit sa kanyang bahay. Maririnig din ang pagmumura nito habang hawak ang kanyang baril.
“Siya si retired Rear Admiral Ramon Punzalan, member ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1976 at dating Chairman at CEO ng PMA Alumni Association,” ani Tulfo.
“I’m sure this guy, being in the Navy, didn’t experience combat when he was in the service, the reason he’s taking it out on an unarmed civilian to prove he’s a man. You’re a coward, Admiral sir!” dagdag niya.
Ang katumbas ng isang rear admiral ng isang major general sa Army, Air Force, o Marine.
Samantala, sinabi ng Mandaluyong City Police Station na patuloy ang imbestigasyon sa insidente, kabilang ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga sangkot at ang legalidad ng baril na ipinakita ng retiradong opisyal.
Nire-review rin ng mga awtoridad ang kumakalat na footage at kumukuha ng mga pahayag ng mga saksi upang matukoy ang buong pangyayari na nagresulta sa komprontasyon.
Pinaalala ng pulisya na ang pagmamay-ari at pagdadala ng baril ay may kaakibat na mabigat na res-ponsibilidad at ilegal ang paggamit nito sa pananakot at magreresulta sa kaukulang legal at administratibong hakbang.