Advertisers

Advertisers

ISKO, NATUWA SA PAGKAKAARESTO PEKENG MTPB ENFORCER

0 267

Advertisers

PINURI ni Manila Mayor Isko Moreno si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje at ang Manila Police Distrct (MPD) sa pagkakaaresto ng pekeng MTPB enforcer na matagal ng nangingikil sa mga truck drivers na bumibyahe R-10 sa Tondo, Manila.

Sa kanyang live broadcast ay iprinisinta ni Moreno ang suspek na Mark Buzeta y Aroquero, 34 ng Innocencio St., Tondo na nakasuot pa ng old MPTB uniform. Kasabay nito ay nagbabala si Moreno sa lahat ng enforcers na huwag na huwag masasangkot sa iregularidad dahil mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod ang ‘one-strike policy’ pagdating sa pangingikil at iba pang anomalya sa trabaho.

Kapuna-puna ayon sa alkalde na ang suspek ay umabot na sa pagsusuot ng pekeng MTPB uniform upang makatulong sa kanyang pangingikil at magmukha siyang totoong MTPB enforcer.



“Ito ‘yung inirereklamo ng mga truckers na nangongotong sa R-10. Baka naman puro kayo reklamo tapos hindi ninyo ito kasuhan. Imbes na puro kayo kiyaw-kiyaw, tulungan ninyo kami na mai-hoyo ito. Kasuhan nýo,” sabi ni Moreno.

Sa bahagi ng pamahalaang lungsod ay inatasan na ni Moreno ang kapulisan na magharap ng kasong extortion at usurpation laban sa pekeng MTPB enforcer.

“Ayokong me nangongotong sa R-10 ha,” sabi ni Moreno sa mga kapulisan, kasunod ay pinasalamatan ito gayundin si Viaje sa pakikipagtulungan sa mga operatiba na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

“Thank you sa iyo. Huwag ka titigil.. linisin mo pa. Thank you very much… good job,” sabi ni alkalde kay Viaje.

Nakiusap din ang alkalde sa lahat ng mga drivers at owners ng trucks na bumibyahe sa R-10 tingnan at mukaan ang suspek kung sila ay nabiktima nito at magsampa ng kaso kung kinakailangan. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">