Advertisers

Advertisers

NEDA, DOF kinalampag sa problema sa vaccine

0 272

Advertisers

MULING kinalampag ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang National Economic and Development Authority at Department of Finance para aksyunan ang suspensyon ng importation duties, taxes at fees ng COVID-19 vaccine at kinakailangang kagamitan para sa pagpapabakuna.
Diin ng mambabatas maaaring i-invoke ng NEDA at DOF ang RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at TRAIN Law.
Batay aniya sa Chapter 2 Section 1609 ng CMTA maaaring baguhin ng NEDA ang klasipikasyon ng ilang produkto salig sa rekomendasyon ng Pangulo upang masuspindi o ma-exempt ito sa import duties at restrictions.
Sa ilalim naman ng TRAIN Law maaaring iklasipika ang COVID-19 vaccine importation bilang isang pandemic social safety net program para sa mga mahihirap at marginalize.
Sa paraang ito, mas mabilis aniyang matutugunan ng executive department ang pag-pasok ng mga bakuna kaysa maghintay ng panukalang batas mula sa Kongreso para hindi na patawan ng buwis ang pag-aangkat nito. (Henry Padilla)