Advertisers

Advertisers

3 patay sa tumagilid na truck sa Rizal

0 236

Advertisers

NASAWI ang tatlong tao nang tumagilid ang isang truck sa Teresa, Rizal.
Sa kuha ng CCTV, makikitang paliko ang truck sa pakurbang bahagi ng kalsada nang bigla itong tumagilid at mapunta sa kabilang lane.
Ayon sa kapitan ng barangay, nadaganan ng truck ang kasalubong na motorisklo, habang ang isa pang kasalubong na motorsiklo ay bumangga sa truck. Kapwa patay ang mga rider.
Namatay din ang driver ng truck nang tumalon at mabagok ang ulo.
Habang isinusulat ang balitang ito hindi pa nakuha ang mga pangalan ng mga nasawi.
Ayon sa isang saksi, mabilis ang takbo ng truck na may kargang buhangin.
Nanawagan ang kapitan ng barangay na maglagay ng karatula at checkpoint sa lugar dahil marami na naaaksidente sa lugar.