Advertisers
NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlo sa anim na turista na unang inaresto nang magpresenta ng pekeng RT-PCR test results sa pagpasok ng mga ito sa Boracay.
Kasunod narin ito nang pagsailalim sa swab test ng mga naturang indibidwal sa molecular laboratory sa Aklan Provincial Hospital kungsaan lumabas na positibo ang tatlo sa COVID-19.
Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng dalawang babae at isang lalaki na kasalukuyang naka-quarantine sa isang hotel sa Lalibo.
Nabatid na walang booking sa accredited hotel sa Boracay ang grupo ng anim na turistang kinabibilangan ng isang makeup artist, crew, entertainment manager at TV show dancer.
Ang isang babae naman ay nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya.
Pinaniniwalaang nag-avail ng home service para sa COVID-19 testing ang naturang mga turista na posibleng pinapatakbo ng sindikato na kayang magsagawa ng negatibong resulta ng RT-PCR test.