Advertisers

Advertisers

Covid update: 13 gumaling; 50 nasawi; 1,581 bagong kaso

0 389

Advertisers

MULING nakapagtala ng 1,581 kumpirmadong kaso ng Covid-19 ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 25.
Samantala ay mayroon namang naitalang 13 na gumaling at 50 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (29,282) ang aktibong kaso, 92.3% (475,422) na ang gumaling, at 2.00% (10,292) ang namatay.
Sa ngayon ay nanguna ang Quezon City sa may mataas na naitalang kaso ng Covid-19 na 89.
Sinundan ng Cebu City na mayroong 88; Cavite, 80; Davao City, 78 at Cebu City, 50.
Muli namang nagpaalala ang DOH na ang pinakamabisang paraan laban sa tuluyang pagkalat ng anumang variant at mutation ng Covid-19 ang pagsunod sa health protocols. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)