Advertisers
PANGUNAHING hangad sa bawat halalan ang magkaroon ng isang Commission on Elections (Comelec) na parehas at marunong magbilang. Dahilan ang makiling na Comelec kung bakit may dalawang uri ang kandidato sa Filipinas: ang panalo at ang dinaya. Walang natatalo.
May batayan ang pananaw. Noong 2019, biglang nawala ang coverage ng resulta ng halalan sa pagka-senador. Nang bumalik ang coverage pitong oras pagkatapos nawala sa ere, panalo na lahat ng kandidato ng Hugpong. Tinawag tuloy ng mga senador “by seven-hour glitch” ang mga nanalo. Hanggang ngayon, hindi maipaliwanag ang nangyari.
Sa halalan sa mga bubuo ng Interim Batasang Pambansa noong 1978, biglang nanalo ang 21 kandidato ni Imelda Marcos sa Metro Manila. Marami sa kanila ang mga kandidatong hindi kilala ngunit tinalo ang mga kandidato ng Lakas ng Bayan (Laban) na pinangunahan ni Ninoy Aquino Jr. Walang naniwala sa integridad ng halalan noon.
Sa biglaang halalan sa pagitan ni Ferdinand Marcos at Cory Aquino noong 1986, mismong ang Comelec ang nanguna sa pandaraya. Nagalit ang sambayanan at nauwi ito sa 1986 EDSA People Power Revolution. Hindi tumigil sa pandaraya ang Comelec. Pumutok ang “Hello Garci” noong 2004 na sangkot ang isang commissioner ng Comelec at GMA.
Hindi nawala ang dayaan kahit sa level ng lokal at kongresista. Ngunit kung may dayaan, hindi nawawala ang Comelec. Sangkot palagi ang Comelec. Pinaghihinalaan ang ilang mataas na opisyales ang kasangkot sa mga dayaan.
Mas tumindi ang hinala sa Comelec dahil pinili ni Duterte ang apat sa pitong katao komisyon. Pawang mga galing sa Davao City. Hindi sila kilala. Wala silang reputasyon sa pagiging parehas, o walang kinikilingan. May mga pananaw na muling bahagi ng malawakang dayaan ang Comelec sa 2022. Isa ito sa mga dapat paghandaan.
Voters’ education ang sagot sa mga dayaan sa halalan. Kailangan maintindihan ng mga botante ang proseso ng bawat halalan. Kailangan maunawaan na may nananalo at natatalo sa bawat halalan. Kailangan isapuso ang diwa ng demokrasya sa bawat eleksyon. Kailangan maunawaan ang kinahihinatnan ng mga halalan at dayaan.
May paraan upang mandaya sa halalan. Dapat maunawaan ng mga botante na may paraan para maiwasan ang mga dayaan. Diyan pumapasok ang voters’ education. Ngunit isa itong bagay na hindi binibigyan ng halaga. Hindi pa matingkad ang voters’ education.
Dalawa ang armas ng pangkat ng Davao City para manatili sa poder sa 2022: ang mga bilyones na nawala sa kaban ng bayan; at ang Comelec na sa kanila papanig sa mga kontrobersiya. Hindi sila mananalo sa parehas na halalan. Alam nila ang dapat nilang gawin upang manatili sa Malacanang. Alam nila na sa kulungan ang kanilang tuloy kapag Nawala sila sa poder.
***
KAHIT anong sabihin nila, paunti-unting nawawala ang populismo. Hindi na ito ang hamon ng bagong panahon. Natalo si Donald Trump sa Estados Unidos. Hindi malakas si Vladimir Putin ng Rusya at Xi Jin-ping ng China sa international community. Muling tumitining ng kilusang demokratiko sa maraming bansa.
Nagigising ang maraming bansa na hindi populismo ang sagot sa kanilang mga suliranin at karaingan ng mamamayan. Hindi ang maka-kanang pagdagsa ng mga lider na popular ngunit matibay na formula sa paglikas. Hindi ang mga taong humahamon sa sistema kundi ang sistemang maayos ang sasagot sa kanilang mga tanong.
***
NOONG 2016, malakas ang koalisyon na sumuporta kay Rodrigo Duterte. Nandoon ang mga malalaking pamilyang pulitikal na tulad ng mga GMA, Marcos, at iba pa, at mga lapiang pulitikal tulad ng PDP-Laban, Nacionalista, at Lakas-NUCD, at iba pa, at maski ang puwersang nat-dem. Mayroon silang santambak na trolls at bots.
Akala nila magaling si Duterte at ihahatid ang Filipinas sa dambana ng kaunlaran at katatagan. Naduterte sila. Nasaan ang kaunlaran? Nasaan ngayon sila? Hindi mananalo ang Inferior Davao sa 2022. Huwag paloloko sa ikalawang pagkakataon.
***
BAHAGI ito ng sanaysay na aming isinulat limang taon ang nakalipas. Tungkol ito sa kahalagahan ng pagkakaroon ng talaarawan, o diary:
THE Filipinos’ lack of sense of history stems from their abhorrence of reading. Typical Filipinos hardly read. Ours is not a nation of readers but storytellers, who prefer to exchange and compare notes – or engage in gossip.
Because of our sordid lack of culture of reading, we abhor writing. We hardly write to express our feelings, views, and other important things. We do not have a culture of diary writing to record anything or everything, particularly the goings-on in our lives.
Diaries enable historians to reconstruct history. Without diaries, it was next to impossible to write history. The diligence of diary writers, whether a top ranking political leader or a foot soldier assigned in the front, has enabled the succeeding generations to learn lessons from history and avoid their repetition.
But this is not the case with Filipinos. We hardly read diaries from where historians could base their judgment of our history. Filipino diary writers are extremely rare. Hence, this limitation takes its toll on historians, who do not have the details to write history.
Although afflicted with reading impairment called dyslexia, Gen. George Patton, the weird but feared American field commander, wrote and kept a daily diary containing details of his thoughts, feelings, and observations of the last world war.
Gen. Franz Halder, who was chief of staff of Nazi Germany’s Wermacht, or Army, kept a diary containing details of his interaction with Adolf Hitler and the military operations developed and pursued by the Wermacht. Halder’s diary was one of the primary sources of many historians’ accounts of the last world war, including William Shirer’s classic book, “The Rise and Fall of the Third Reich.” Halder’s oft-quoted diary provided numerous insights and lessons on how Nazi Germany conducted the war.
Gen. Joseph Stilwell, grudgingly called “Vinegar Joe” for his acidic tongue and pointed remarks, likewise kept a diary particularly details of his assignment in the China-Burma-India theater in the last world war. Historians Barbara Tuchmann and David Halberstam cited his diary as one of their primary sources in their books