Advertisers

Advertisers

Matapos palayain… 9 pulis na nagmasaker sa 4 sundalo sa Jolo pinatutugis ni Sinas

0 200

Advertisers

NAGPADALA ng tracker team ang Philippine National Police (PNP) sa Jolo upang tugisin ang 9 pulis na sangkot sa pagpatay sa 4 intel officers ng Army noong June 2020.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, ang tracker team ay binubuo mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Intelligence Group, at Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
Aniya, nakasentro ang pagtugis sa Jolo. Dahil base sa report na kanilang natanggap ay dito nagtatago lang ang naturang mga pulis.
Ang mga pinaghahanap ay sina Senior Master Sgt. Abdelzhimar Padjiri, Master Sgt. Hanie Baddiri, Staff Sgt. Iskandar Susulan, Staff Sgt. Ernisar Sappal, Corporal Sulki Andaki, at Patrolman Moh Nur Pasani na pawang miyembro ng Jolo Municipal Police Station; Staff Sgt. Almudzrin Hadjaruddin, Patralman Alkajal Mandangan, at Patrolman Rajiv Putalan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Sulu.
Sinabi ni Sinas na ilan sa mga pulis na ito ay nagpahayag ng pagsuko, inaayos nalang para sa kanilang kaligtasan
Nauna dito, nagpalabas na ng warrant of arrest ang Jolo Regional Trail Court laban sa 9 pulis noong Jan. 14, 2021.
Magugunita na ang 9 pulis ay nasa kustodiya ng PNP ngunit ipinag-utos ni Sinas ang pagpapalaya sa mga ito matapos aprubahan ang tuluyang pagsibak sa mga ito base sa rekomendasyon ng PNP Internal Affair Service.
Paliwanag ni Sinas, walang dahilan upang isailalaim sa kanilang kustodiya ang 9 pulis dahil hindi na sila maituturing na mga miyembro ng PNP matapos malagdaan ang dismissal order laban sa mga ito. (Mark Obleada)