Advertisers
TATALAKAYIN ngayong araw ng 17 alkalde ng Metro Manila ang posibilidad na ilagay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR).
Sinabi ito ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council kung saan nasa GCQ ang kalakhang Maynila hanggang sa Enero 31.
Giit pa ni Olivarez na kailangang makita munang pababa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila bago bahagyang paluwagin ang quarantine status kasama na rin ang pag-apruba ng IATF na makalabas na ang mga batang 10-taong gulang hanggang 65-anyos.
Tiniyak ni Olivarez na mamatyagan nila kung talagang nakapasok na sa bansa ang UK variant at kung anu-ano pa ang mga paraang gagawing prevention bago mag-MGCQ ang Metro Manila sa tulong na rin ng medical experts. (Josephine Patricio)