Advertisers
KABIBILI lang ng sportscar BMW na isinailalim sa vehicle testing procedure ay hindi pumasa sa naging pagsusuri ng isang LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVICs), na muling ipinasuri sa pinagbilihan subalit wala ring nakitang diperensiya at nang ibalik muli sa PMVIC ay sinertipikahang pasado na.. syempre pa panibagong bayad na naman.
Ang bagong sistemang ito na ipinairal ng DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr) sa pamamagitan ng LTO ang tinutuligsa ngayon ng iba’t ibang asosasyon ng mga motorista dahil sa tila pamemera o ginagawang gatasan ng mga PMVIC ang mga motorista sa ating bansa.
Sa isinagawang press conference ng CLEAN AIR MOVEMENT PHILIPPINES Inc na nirerepresenta ni DR. LARRY PITPIT at ng VIOLENCE AGAINST CRIME AND CORRUPTIONS (VACC) na nirerepresenta naman ni ARSENIO “BOY” EVANGELISTA kahapon sa isang restoran sa QUEZON CITY CIRCLE ay ipinunto ng mga ito na ilegal ang pagpapairal ng PMVICs system dahil walang naging pag-amiyenda sa RA 8749 o ang PHILIPPINE CLEAN AIR ACT.
Ang PMVIC system ay pinasimulan sa ANGELES CITY, PAMPANGA na sinundan o tinularan na ng iba’t ibang mga probinsiya kaya nangagsara ang operasyon ng mga PRIVATE EMMISSION TESTING CENTERS (PETCs).., at ngayong taon ay dadanasin na ng mga motorista sa NATIONAL CAPITAL REGION ang panibagong bayarin sa kanilang mga sasakyan.
” If there is no public consultation, there is corruption. Let us show our resistance not against roadworthiness, but against compliance that is prone to corruptions. We are one in supporting this, let us study this first and soon, if the objective is okay and good, we will support it for as long as there is transparency and no corruption. Consultation is needed. At the end of the day, if there is transparency, we can make this PMVIC compliance a success,” pahayag ni VACC PRESIDENT EVANGELISTA.
“The owner and known Pampanga business leader, Rene Romero took his car to the BMW dealership in San Fernando City to check on his brake system. After a thorough inspection, the BMW mechanics did not find anything wrong with it. Romero secured a copy of the inspection result, returned to QWIK, an LTO-accredited PMVIC, and paid another P900 inspection fee on January 15, after which, the vehicle got a passing mark,” pahayag naman ni DR. PITPIT patungkol sa bagong bili na BMW ay hinde pumasa sa unang test na ginawa ng PMVIC.
Sa kabatiran ng mga mambabasa na walang pagmamay-aring sasakyan.., ang mga motorista ay kinakailangang ipasuri ang kanilang mga sasakyan sa PMVIC na ang mga 4-wheel na may bigat na 4,500 kilograms pababa ay P1,800 ang inspection fee na kung bagsak sa inspection ay kinakailangang iayos ang anumang diperensiya bago siyasatin uli ng PMVIC at panibagong bayad na P900.
Ang mga motorsiklo at tricycle naman ay P600 naman ang inspection fee na kung hinde pumasa ay P300 naman ang re-inspection muli.
“The LTO’s plan to put up only 138 inspection sites across the country. How can they accomodate 12 million private cars and 15 to 16 million motorcycle and tricycles in the Philippines for inspection,” pagkukuwestiyon ni DR. PITPIT.
Noong December 29, 2020 habang kasagsagan ng COVID-19 PANDEMIC ay nilagdaan ng DOTr sa pamamagitan ng LTO ang implementasyon ng PMVIC SYSTEM.., na noong mga nakaraang taon ay binatikos ni SENATOR GRACE POE ang MEMORANDUM CIRCULAR 2018-2158 na may petsang November 28, 2018 bilang panuntunan sa mga motoristang pagbabayad ng P1,800 para sa motor vehicle inspection.., dahil ang direktibang ito ay hindi idinaan sa public consultation.
Bunsod nito, ang grupong CAMPI at VACC ay magsusumite ng kanilang petisyon upang mapigilan ang panibagong bayarin na naman ng mga motorista.., siyempre pa, sa panibagong sistema, ang mga lumang sasakyan tulad ng mga model year 2010 pababa e walang makakapasa sa sistema ng PMVIC!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.