Advertisers
HINDI na kailangan palawigin ang quarantine period sa bansa dahil ang UK variant ay hindi naman nabago ang mechanism ng virus para maka-infect.
Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire , base na rin sa mga eksperto at ebidensya na ang incubation period at mode of transmission ng varant ay pareho sa Covid-19.
Ang kailangan lamang aniyang gawin ay palakasin ang kasalukuyang protocol sa bansa.
Kailangan aniyang ang quarantine at isolation protocols ng LGUs ay lalo pang palakasin.
Dapat aniya nilang tiyakin na lahat ng i-eendorse sa kanila ng national government para sa quarantine o isolation ay istriktong maipatupad ang 14 day quarantine upang hindi nagkakaroon ng detection o kumakalat ang virus.
“kung atin pong mapapaigting ang ating protocol , we will be ble to manage and prevent this kind of occurrences”.
“So I dont think na kailangan at this point na i-extend to 21 days ang ating quarantine o isolation “ ayon pa kay Vergeire. (Jocelyn Domenden)