Actor Raymond Gutierrez lumabag sa health protocols sa b-day party; Restoran pinasara ng Taguig govt.
Advertisers
HINIHINTAY ngayon ang magiging paliwanag ng TV host at kakambal ni Richard Gutierrez na si Raymond tungkol sa pag-celebrate nito ng birthday sa isang restaurant sa Taguig City sa gitna ng pandemya.
Kumalat sa social media ang ilang litrato na kuha sa selebrasyon ni Raymond sa La Picara Restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig. Ang reklamo ng netizens: lumabag sa safety protocols ang mga naroon.
Sa isang photo, makikita si Raymond na pinalilibutan ng kanyang mga bisita habang hinihipan ang mga kandila sa kanyang cake. Ang nakalagay sa caption: “Happy birthday @mond.
Kasunod nito, may mga litrato ring naka-post sa socmed na makikita ang “notice of closure” na nakapaskil sa entrance ng nasabing resto mula sa local government ng Taguig City.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens sa nasabing issue. May nagalit kay Raymond at sa mga bisita sa party, pero may ilan ding nagtanggol sa kapatid nina Richard at Ruffa Gutierrez.
Karamihan sa mga nagkomento ay naawa sa mga empleyado ng ipinasarang resto na biglang nawalan ng trabaho dahil sa nangyari.
Sinisisi naman ng iba ang management ng venue dahil pinayagan ang ganun karaming tao sa party.
Naglabas narin ng official statement si Taguig City Mayor Lino Cayetano. Aniya, hindi sapat na rason ang negative swab test ng mga bisita sa party para sabihing walang nagawang violation sa health protocols ang restaurant.