Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,173 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Enero 26.
Samantala ay mayroon namang naitalang 18 na gumaling at 94 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.9% (30,357) ang aktibong kaso, 92.1% (475,423) na ang gumaling, at 2.01% (10,386) ang namatay.
Nanguna naman ngayong araw ang Quezon City sa may mataas na naitalang kaso ng Covid-19 na may 84.
Ang Davao City naman ay may 67 kaso habang ang Cavite City ay mayroong 51.
Nakapagtala naman ng 47 ang Quezon City at 41 naman sa Rizal.
Ayon sa DOH, napatunayan nang epektibo ang wastong pagsusuot ng face mask,face shield at social distancing kaya paghusayin at ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa minimum public health standards upang hindi na kumalat at tumaas ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)