Advertisers

Advertisers

FIBA: Dating PBA import Ricardo Ratliffe pangungunahan ang Korea sa Asia Cup qualifiers

0 186

Advertisers

PANGUNGUNAHAN ng dating import ng PBA na si Recardo Ratliffe, ngayon ay kilalang si Ra Guna ang koponan ng South Korea sa third at final window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa susunod na buwan.
Maging homecoming para kay Ratliffe na ang qualifiers ay gagawin sa Clark, Pampanga dito sa Pilipinas, kung saan ang 31-anyos ay naglaro bilang import para sa Purefoods franchise noong 2016 at 2017.
Guna, ay naging naturalized ng South Korea noong 2018, ay babalik sa national team matapos matingga sa kanilang first two qualifying games sa Pebrero 2020 dahil sa injury.una siyang naglaro sa South Korea noong 2018 Asian Games at sa 2019 FIBA Basketball World Cup.
Dadalhin ng South Korea ang 12-man roster dito sa Pilipinas, makakasama ni Guna sa team ay sina, Heo Hoon,Kim Nakhyun, Byun Junhyung, An Younghun, Lee Kwanhee, Kim sirae, Yeo Junseok, Jeon Junbeom,Kim Jongkyu, Lee Seounghyun at Kang Sangjae.
Ang South Korea ay may 2-0 rekord sa Group A, na sanctioned ng FIBA dahil sa hindi paglahok sa November 2020 window sa Manama, Bahrain, Mas pinili ng team na hindi maglaro sa bubble dahil pag-aalala sa COVID-19 pandemic.
Ang South Korea ay maglalaro ng apat na beses sa limang gabi— vs Pilipinas sa Pebrero 18, Indonesia sa Pebrero 19, Thailand sa Pebrero 20, at Pilipinas uli sa Pebrero 22.
Dalawang top teams lang bawat grupo ang ma- qualify sa FIBA Asia Cup 2021,habang ang huling anim na teams bawat grupo ang malalaglag. Ang anim na third- place teams ay maglalaban sa magkahiwalay na qualifying tournament,ang top four ay makakasama sa continental competition.
Ang Bahrain at Lebanon ay qualified na sa FIBA Asia Cup 2021 sa pamamagitan ng qualifiers, Ang Indonesia ay qualified na rin at host ng FIBA Asia Cup 2021.