Advertisers

Advertisers

Mga opisyal ng DAR malalagay sa balag ng alanganin sa paglabag sa health protocol

0 3,406

Advertisers

PINANGANGAMBAHANG malagay sa balag ng alanganin ang mga matataas na official ng Department of Agrarian Reform (DAR) nang magsagawa ng kanilang Planning and Assessment seminar sa isang hotel sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) dahil umano sa paglabag sa ipinatutupad na health protocol ng pamahalaan na nagbabawal sa pagsasagawa ng mga gathering at okasyon habang nasa krisis ng pandemya ang bansa.

Sinabi ng mapagkakatiwalaang source pinangunahan ng secretary nito na si Secretary John Castriciones ang naturang seminar kabilang ang mga matataas na opisyal ng DAR na kinabibilangan ng Undersecretary, Assistant Secretary, Director, Provincial director at Regional director na kinabibilangam ng third level official aabot umano sa mahigit 100 katao na malinaw na paglabag sa ipinatutupad na health protocol.

Ayon pa umano sa source nagsimulang dumating ang mga opisyal ng DAR sa isang hotel sa SBMA nitong nakalipas nakalipas na Linggo ng gabi Enero 24, 2021 para sa isasagawang seminar.



Nabatid pa sa source na wala rin umanong permit at pahintulot mula sa local na pamahalaan ng Olongapo City at mga opisyal ng SBMA ang isinagawang seminar ng mga opisyal ng DAR sa hotel na isang malinaw na paglabag sa health protocol na nagbabawal sa mga malalaking gathering at okasyon.

Kaugnay nito samantala sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) subalit hindi sumasagot sa text at tawag sa cellphone si director Cleon Lester Chavez ang director ng Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) ng DAR.

Sinabi pa ng source posible din umanong ipatawag ng local na pamahalaan ng Olongapo City government ang mga opisyal ng DAR at ang management ng hotel na pinagdausan ng seminar para hingian ng paliwanag hinggil dito. (Boy Celario)