Advertisers
TODAS ang isang pulis na may mga kinakaharap na kaso nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Labangom, Cebu.
Kinilala ang biktima na si P/Cpl. Rodel Demaangay, 40, dating nakatalaga sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at nakatira sa Sitio Nasolbe, Labangon.
Sa report ng Labangon Police Station, 3:20 ng hapon nitong Lunes nang maganap ang krimen sa tapat ng ancestral house sa Sitio Bliss, Abella St., Labangon.
Ayon sa ulat, nakaupo ang biktima sa nakaparada nitong motorsiklo malapit sa istasyon ng pulis nang sumulpot ang riding in tandem at pinutukan ng angkas ang pulis na tinamaan sa ulo at katawan.
Nabatid na na-relieved ang biktima sa Cebu Police Office at itinapon sa ARRM dahil sa kasong 3 counts ng grave misconduct noong Hunyo 25, 2020.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.