Advertisers
NAHALAL bilang presidente ng bagong tatag na national sports association (NSA) for volleyball si Ramon “Tats” Suzara.
Mismong ang Philippine Olympic Committee (POC) pa ang nangasiwa sa naturang eleksyon na ginanap sa Parañaque City, base sa kahilingan ng Fédération Internationale de Volleyball (FIVB), ang world governing body ng volleyball.
Ang nasabing resulta ng halalan ay ipi-presenta sa FIVB World Congress na nakatakda sa Pebrero 5-7, 2021.
Matatandaang sumulat pa sa POC ang FIVB noong Disyembre para mapunan ang mga puwesto ng mga volleyball officers.
Samantala, si Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) secretary-general Ariel Paredes ang naihalal na chairman, habang si Arnel Hajan naman ng Philippine Volleyball Federation (PVF) ang naging vice-president.
Gagampanan ni Donaldo Caringal ang trabaho bilang secretary-general at si Rod Roque ay treasurer, samantalang si Yul Benosa ang auditor.
Kabilang naman sa board members sina Ricky Palou, Tony Boy Liao, Karl Chan, Carmela Gamboa, Charo Soriano, Fr. Vic Calvo at Atty. Wharton Chan ng POC.